"Ahhh... Nabigla ba kita- Hindi naman kita minamadali, I'm sorry.." Sabi sa akin ni Travis. Napangiti na lamang ako sa hindi ko malamang dahilan. Hindi ko alam. Basta ang alam ko lamang ay masaya ako. Masaya ako kapag kasama ko siya. 'Yung tipo bang nagiging kumpleto ang araw ko kapag nakita at nakasama ko na siya. Aaminin ko, gusto ko na siya. Pero, sapat na ba talagang dahilan na gusto ko lang siya? Hindi ko talaga alam kung ano ang dapat kong gawin dahil naguguluhan ako. Paano na lamang kung um-oo ako sa tanong niya? Ano na lang kaya ang magiging bunga para sa aming dalawa? Hindi rin talaga ako sigurado kung, ano na lamang ang maaaring mangyari kung sakali ngang maging kami. Alam ko na iba ang estado ng aming buhay. Literal na ibang-iba. Malayo sa naging buhay niya. Kung siguro'y ak