Dumaan pa ang ilang mga araw ay mas lalong nagiging sweet sa akin si Travis. Araw-araw ko pa ngang napapansin kung gaano niya ipinapakita ang effort para lang maligawan ako ng mabuti. Aaminin ko, sa bawat araw na lumilipas ay mas lalo lang akong nahuhulog sa kanya. Katulad na lang ngayon. "Flowers na naman?" Tanong ko at saka tinanggap ang bulaklak na ibinigay niya sa akin. Sumilay ang mapuputi niyang ngipin nang ngumiti siya sa akin. "Red roses again, for you lady." Hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Pasimple ko pang inamoy ang hawak kong boquet ng red roses. "Thank you, pero naiiwan ko rin naman sa sasakyan mo ang roses na ibinibigay mo sa akin araw-araw." Napanguso ako. Totoo 'yun. Lagi ko kasing iniiwan sa sasakyan niya ang mga bulaklak na ibinibigay niya sa akin. Iniiwan ko dah