Itinuro niya ang lips niya habang feel na feel ang pagpikit ng mata. Napatawa naman ako sa nakikita ko. "Bahala ka sa buhay mo!" Natatawang sabi ko, tumayo ako at pumunta sa may bandang table niya. Nang lumingon ako ay nakita ko ang nakakatawang reaksyon ni Travis. Para nga siyang bata dahil sa mukha niya, nakakatawa dahil pinahaba pa niya ang nguso niya na para bang nagtatampo. "Sir, Nandito na po ang food." Napatayo ako ng maayos nang makita ko ang magandang secretary ni Travis na ngayon ay may dala-dala ng pagkain. "Pakidala na lang dito." Ani Travis habang turo-turo ang table na nasa harapan niya. "Kara. Halika na," Napalunok ako at muling ibinaling ang tingin sa secretary ni Travis na ngayon ay nakangiti sa akin. "Pakakainin na kita.." Lumapit naman ako sa kinaroroonan ni Travi