Naalimpungatan ako mula sa pagkakatulog nang makaramdam ako ng pangangalam ng sikmura ko. Pikit-mata ko pang kinukusot ang mata ko habang papungas-punas na tumayo, nandito pa pala ako sa unit ni Travis. Palabas na ako ng kwarto nang bigla kong maalala na dapat ko pa palang sunduin ang mga anak ko galing sa eskwelahan nila. Agad akong naalarma dahil nang makita ko ang oras ay pasado alas dos na ng hapon. Kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa ko pero hindi ko naman maramdaman kaya agad din akong bumalik sa kwarto para tignan 'don ang cellphone ko, mabuti na lang at nakita ko sa may bedside table ang cellphone ko, siguro ay nailagay ko kanina rito ang cellphone ko. Bago ko buksan ang cellphone ko ay nilingon ko muna ang paligid. Wala pala si Travis, wala naman akong ideya kung saan siya pumu