"Hindi mo isasama ang dalawang bata." Agad na nagpintig ang tainga ko sa narinig, Napalingon ako sa gawi niya at nakita ko ang matatalim niyang tingin sa akin. Napalunok muli ako ng mariin at saka huminga ng malalim bago muling balingan ng tingin ang dalawang anak ko. "Tara na?" Tanong ko at bahagyang ngumiti sa dalawa. Hinawakan ko na ang kamay nilang dalawa, Hindi ko na sana lilingunin pa si Travis kung hindi lang niya hinigit ang ang balikat ko at mariin muling hinawakan ang pisngi ko. "Hindi mo isasama ang dalawang bata. Naiintindihan mo ba?!" "M-Mama.." Hindi ko na naman maiwasang hindi mapaiyak. Habang panay ang pagtulo ng luha ko ay sinasalubong ko ng tingin ang galit na galit na si Travis sa harapan ko. Nanginginig na ang katawan ko sa takot. Takot na baka mawala sa akin ang