"Why are you still awake?" Agad akong napatayo mula sa pagkakaupo ko sa harap ng mesa. "Ginabi ka yata ulit? Anong oras na ah?" Sabi ko sabay pahapyaw na tumingin sa wall clock. Pasado alas onse na ng gabi at ngayon lang nakauwi si Travis. Sa halip na sagutin niya ang tanong ko ay nilapitan niya na lang ako at saka dapat akong hahalikan, pero agad akong napa-iwas nang maamoy ko ang alak sa bibig niya, "Napainom ka." "Birthday kasi ni Kuya Joel. Niyaya ako na uminom sa kanila kaya ngayon lang ako nakauwi," "Kumain ka muna," Sabi ko sa kanya at dumiretso sa kusina para mai-ready ang maka-kain niya. "Ayokong kumain." Aniya, "Bukas na lang siguro," Sabi pa niya. Wala na akong nagawa pa kaya niligpit ko rin kaagad ang mga plato. Nauna na sa kwarto si Travis na mukhang lasing kaya nakatul