26 "Welcome to Zagreb, capital of Croatia." ang laki ng ngiti ni Natherson kay Brittany nang mabuksan nito ang pinto ng pagkalaki-laki at pagkaganda-gandang bahay. Parang nahiya pa syang tumuloy doon dahil iba ang itsura nun kaysa sa bahay ng mga Elizares sa Pilipinas. Kung mansyon ang tawag doon, anong itatawag niya sa bahay ni Nate na nasa harap niya ngayon? Napatigil siya at napalinga, hindi tulad ng anak niya na tumakbo na papaloob at talon nang talon. Napatingin pa sya kay Nate kaya pinagtawanan lang sya nito saka sya hinila at niyakap. Oh! Bakit may yakap na naman? "Walang tao gorgeous, we can pursue the honeym—" nakulong sa bibig nito ang iba pang sasabihin nang biglang takpan niya ang labi nito. Nilukutan niya ng ilong ang asawa. "Asa ka! Basagin ko yan makita mo!" bi