27 After roaming around, Brittany decided to walk back to the house. Ilang kanto lang naman ang nilakaran niya. Baka kasi mawala sya. Iniwan niya ang mag-ama niyang natutulog kanina at kakamasid niya sa paligid pero halos mag-isang oras na pala sya sa labas ng bahay. Libang na libang siya sa ganda ng paligid at ganda sa labas. Ang ganda ng Zagreb. Sa tanan ng buhay niya, hindi niya inakalang makakalabas siya ng bansang Pilipinas. Papasok na sana sya sa pinto ng bahay nang bigla syang matigilan nang matanawan si Nate sa sofa. Nanlaki ang mga mata niya at natutop ang bibig nang makita ang isang babaeng nakapatong dito, at nakikipaghalikan habang nakaupo ang dalawa. Nagdalawang-isipi ba sya kung tutuloy sya o hindi. Ang anak niya ay nasa itaas yata pero anumang gustuhin niya na pumaso