"Nate!" sigaw ni Brittany nang magising sya at matapos niyang kapain ang tabi niya ay bakante iyon at wala ang asawa niya. Habol niya ang hininga. Nananaginip siya na hindi niya maabot ang asawa niya at hindi na malinaw ang iba pang detalye nun. Napabangon sya pero nanlalata sya kaya hindi sya makatayo. Sabi na. Alam na nyang mangyayari iyon. She's so petite compared to Nate, at ang makipag love making sa asawa niya ng paulit-ulit sa iisang gabi ay hindi gawang biro. Nate was so energetic. Saan kaya iyon kumuha ng lakas dahil alam naman niya kung gaano iyon kabusy na nilalang. Parang hindi na nga siguro iyon namamahinga. How can a man like him still perfectly made their first love making so perfect after seven years? Para iyong lagari dahil sa trabaho pero wala siyang masabi sa taas