43 Titig na titig si Hayden Ace sa ama na kumakanta sa gitna ng pinakatanyang na shopping mall sa Maynila. Walang kupas ang hatak nito sa tao at silang mag-ina ay tahimik lamang na nanonood. Anong saya niya, na ngayon nanonood siya ng mall show nito bilang asawa, at ang anak niya bilang hindi isang fan. Binilinan lamang niya ang anak na huwag mag-iingay. Walang nakakaalam na sila ang mag-ina ng artist of the decade na si Nate. Sino nga ba naman ang hindi manghihinayang sa lalaking ito? Artist of the decade? Sa dinami-rami ng musikero sa mundo ay bukod tangi nitong nakuha ang award na iyon. Kahit na saan man parte ng mundo, tagahanga man nito o hindi, alam siguro ang mga kanta ng banda. There’s magic in every song that they sing, especially the ones Nate composed. Napakadaling kabisahin