44 Nakatulala si Brittany sa TV. Nanood sya ng coverage ng pagkanta ni Nate sa Duchess ng Cambridge na si Alesha pero lagpasan ang titig niya dahil ang laman ng utak niya ay ang kagandahan ng heiress. The woman is showing elegance in all aspects. Sa kilos at kahit saang bagay na kahit ang layu-layo ng camera ay lumilitaw ang kagandahan nito at kapinuhan. Parang hindi iyon makabasag ng pinggan. Hindi sya nakatagal ay pinatay niya ang letseng telebisyon. Natutop niya ang noo saka nagmamadaling lumabas ng kwarto para silipin ang anak na nasa ibaba yata ng bahay pero sa pagka-imbyerna niya ay nanonood din ang anak niya ng palabas na iyon at tuwang - tuwa pa na makita ang Daddy nito sa TV. Wala itong kaalam - alam na may gusto ang babae sa ama. Alangan naman na sabihin niya, para naman sy