HINDI na kumalas kay Maia si Luanne magmula ng dumating siya. Pagkahilot niya sa tiyan nito'y sa katawan na niya ito natulog at sa tuwing tatangkain niyang ibaba ay nagigising. Naka-alalay sa kanya ang kanyang mama at papa maging si Kaia. Sinabihan niyang magpahinga na ito at siya ng bahala sa anak kaso tulad niya, nag-a-alala din ang mga ito kay Luanne. Pasado alas dose na pero ayun siya, nakatayo at kalong si Luanne. Hindi pa sila nag-uusap ni Lucas na naka-upo lang sa mahabang couch. Nakatingin ito kay Luanne at sa tantiya niya'y napapansin na nito ang pagkakahawig ng anak niya dito. Hindi sa gano'ng paraan niya nais sabihin dito ang tungkol kay Luanne kaso nangyari ang 'di inaasahang pangyayari na 'yon. Hinahanda na niya ang sarili sa mga itatanong nito sa kanya. Nasisiguro niyang mad

