"ANONG plano mo ngayon? Sasabihin mo na ba kay Lucas na may anak kayo?" Carel asked, then, lifted up the glass of juice and take a sip. Tanong na hanggang ngayon ay hindi pa din niya masagot. Kasalukuyan siyang nasa living room ng bahay nila kasama sina Carel at Minda. She is currently carrying Luanne who's sleeping now. Pinatulog na niya ito bago dumating ang mga kaibigan niya kaso nagising at akala'y umalis siya kaya ayaw na bumitaw sa kanya. Dumidilat ito sa tuwing gagalaw siya na para bang tinitingnan kung mawawala siya bigla. "I don't know. Ang hirap naman kasi ng gusto niyong ipagawa." Reklamo niya sa mahinang boses saka nilipat sa kabilang si Luanne ng mangalay. "Lumalaki na kasi yung inaanak namin saka kung sino-sino na ang tinatawag niyang dada sa TV. Mas mahirap kaya kapag nak

