CHAPTER 35 MARAHANG IMINULAT ni Ianira ang mga mata. She felt a little tired and weak. Bulto ni Hunter ang unang nahanap ng kaniyang mga mata. “ Hunter? ” nanghihina niyang tawag sa binata. Agad naman itong lumapit sa kaniya. Inalalayan siya nitong bumangon at sumandal sa headboard ng hospital bed. Namataan din niya si Spike na ngumiti sa kaniya at kumindat bago tumalikod at lumabas ng silid. “ How are you feeling? ” Puno ng pag-aalala ang tinig nito. Ang mga mata ay malamlam at mangiyak-ngiyak na tumitig sa mga mata ni Ianira. “ Ayos lang ako. Natakot lang ako dahil sa iyo. Nasaktan ka ba? ” nanginginig ang boses ng dalaga habang nakatitig sa duguang damit ni Hunter. “ No. I'm perfectly fine, honey. Ang sinusundan ng sinakyan kong bus ang nahulog sa bangin. Tumulong ako sa m