CHAPTER 34

1533 Words

CHAPTER 34 KABABANGON NI Ianira nang mabuglawan ang ina sa kusina. Araw ng Sabado, at hindi siya pumasok sa Cafe. Hindi niya kinayang bumangon nang maaga dahil sa sobrang pagkahilo. “ Oh, anak gising ka na pala. Gusto mo ba ng gatas? ” tanong ng kaniyang inay nang mamataan siya. “ Mamaya na, 'Nay. Nahihilo na naman ako. Hindi ba kayo pumunta sa mansion? “ Hindi na muna. Tinawagan ako ni Señora, pahinga raw muna ako. Tama lang na di ako pumunta at nang mabantayan kita. Uminom ka na ng gatas at kumain ng agahan. Baka hindi mo kasi iniinom ang mga bitaminang binigay ng doktor kaya lagi kang nahihilo? ” Bumalangkas ang pag-aalala sa mukha ni Nanay Milagros. “ Iniinom ko ho. Dala lang siguro ng paglilihi ko ito, ” wika niya. Pagkuwa'y napakunot-noo at tumitig sa ina. “ Si Hunter ho? ”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD