CHAPTER 33 FORGIVE HIM TAWANG-TAWA SI SPIKE nang ikuwento niya ang ginagawang pagpapaalila ni Hunter sa bahay nila para lang makabawi ito sa kaniya. “ Kita mo na, matatakot iyon kapag nawala ka sa kaniya. ” Pagkuwa’y bumuntong-hininga ito. “ Pero, Iani, kaya mo ba siyang bigyan ng second chance? ” seryoso niyong tanong sa dalagang nakatanaw sa dagat. Dapit-hapon ay sinundo siya ni Spike para samahan daw itong panoorin ang paglubog ng araw sa dalampasigan. Pinaunlakan naman niya para maiwasan si Hunter. Wala na kasi itong ibang ginawa kundi bumuntot sa kaniya. Pupunta lamang siya sa banyo, sasama pa ito at magbabantay sa labas. Kahit di niya ito iniimik ay naghahanap ng paraan ang binata para mapansin niya. Wala sa sariling napangiti siya nang maalala ang mga pagpapansin ni Hun