CHAPTER 32 I’m Sorry PILLIT NA IMINULAT ni Ianira ang namimigat pang mga talukap dahil sa ingay na naririnig mula a labas ng kanilang barong-barong. Nagtaka siya kung sino ang umagang-umaga ay nagsisibak na ng kahoy. Imposibleng si Kian iyon. Paniguradong sa mga oras na ito ay nasa eskuwelahan na ang kambal. Sila lamang ng Nanay nila ang nasa bahay sa oras na ito. Sinabi ng Nanay niya kagabi na hindi ito pupunta muna sa Mansion at inaatake ito ng rayuma. Nahihilo man ay pilit siyang bumangon. Mamayang alas nuwebe pa ang pasok niya sa Cafe. Nilingon niya ang orasang nakasabit sa tablang dingding. Alas siyete y media pa lamang ng umaga. Sabog pa ang mahaba niyang buhok nang lumabas ng bahay. Pakiramdam niya ay puputok na ang pantog niya at kailangan niyang pumunta sa banyo. Nasa l