CHAPTER 31 WIN HER BACK NAGSUKATAN NG TITIG sina Hunter at Spike. Walang gustong sumuko mula sa matatalim na titig sa bawat isa. Agad na pumagitna sina Xavier at Cade nang mapansing kapwa nagkuyom ng mga kamao ang dalawa. “ Tama na iyan, Hunter. Pumunta tayo rito para makausap mo siya. Hindi makukuha sa suntukan ulit ito. ” Pilit na pinaupo ni Xavier si Hunter sa sofa. Sinadya nila si Spike sa Penthouse nito nang malamang nasa ciudad ang binata. Kailangang magkalinawan ang dalawa, kaya pinilit ni Xavier na isama ito at makaharap si Spike. “ Ano pang kailangan mo, Hunter? Nagliwanag na ba ang isip mo at natanto nang may malaki kang kasalanan sa mga tao sa paligid mo? Lalo kay Iani? ” MPang-uyam na ngumiti rito si Spike. “ Iani? ” Napangisi si Hunter. Igting ang pangang tinitig