“ HUWAG KA na kayang pumasok muna sa Cafe, anak. Baka mapaano kayo ulit ng apo ko. Kailangan mo ng pahinga, Iani. ” Ilang beses na siyang pinigil ng ina habang gumagayak siya para sa trabaho. “ ’Nay, kailangan ko na hing bumalik sa Café. Kulang ho ang tao nila. Saka sayang ho ang kita. Kailangan ko pong makapag-ipon bago lumaki nang husto ang tiyan ko. Baka mahirapan na akong magkikilos at ayaw na nila akong papasukin sa trabaho kapag lumobo na ang tiyan ko. Kaya mabuti nang ngayon pa lang, sagarin ko nang magtrabaho para makaipon. ” “ Pag-aari naman ng mga Montana ang Café, anak. At tingin ko ay di ka naman nila pinipilit magtrabaho. Mabait naman sa iyo ni Señorito Spike. ” Tumikhim ang kaniyang ina. Tila may gustong ipahiwatig ang pagbanggit nito sa panganay ng mga amo nito sa M