KITANG-KITA NI SPIKE ang nagpipigil ng mga luhang si Ianira. Patakbo itong lumabas ng restaurant, kung saan sila nag-usap ni Hunter. Hinayaan niyang mag-usap ang dalawa. Hinintay lamang niya ang dalaga sa loob ng sasakyan. Mukhang hindi naging maganda ang kinahinatnan ng pag-uusap ng magkatipan. Nag-alala tuloy siya sa dalaga. Mabilis niyang binuksan ang pinto ng kotse at lumabas para sundan ang dalaga nang hindi ito dumeretso sa sasakyan niya. “ Ianira! ” Hinablot niya ang baywang ng dalaga at mabilis na hinila nang muntikan na itong masagasaan. Tila wala ito sa sariling tumawid sa kalsada. “ Magpapakamatay ka ba nang dahil lang kay Hunter? ” singhal niya rito. Nagulat siya sa nangyari at hindi niya sinasadyang sigawan ang dalaga. Ngunit nahimasmasan siya nang makitang umi