CHAPTER 28

1238 Words

CHAPTER 28 Asshole WALANG SINAYANG na sandali si Hunter nang matanggap ang tawag ng kaniyang Papa. Itinakbo raw sa ospital ang kaniyang Mama. Halo-halo ang emosyong nararamdaman niya. Galit, takot at pangamba. Galit siya sa sitwasyon niya. Nag-aalala siya para sa puwedeng mangyari sa kaniyang Mama. At nangangamba siya at natatakot siya sa napipintong pagkasira ng relasyon nila ni Ianira. Naalala niya ang sagutan nilang mag-ina sa kaniyang opisina kanina. Sumugod doon ang kaniyang Mama dahil sa hindi niya pagdalo sa engagement party na inihanda ng pamilya Lazaro para sa kanila ni Ricar. Balak ng mga itong pormal na ipahayag sa publiko ang kasal daw nila ni Ricar. Sino'ng niloko ng mga ito? Sumama ang loob niya sa kaniyang mga magulang dahil sumasang-ayon din ang mga ito sa gusto

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD