CHAPTER 27 BETRAYED NATIGILAN si Ianira nang aksidenteng mapindot ang remote ng telebisyon at malipat sa ibang channel ang pinapanood na Chinese drama. “ Naku naman, ate, sasaksakin na ni Jin Mi si Xu Feng, e. Dios ko! Ibalik mo na— ” Natigilan sa pagsasalita si Kiara nang mapansin siyang titig na titig sa mukhang nagpakita monitor ng TV. “ Hindi ba, ate, iyan ’yong kababata ni Kuya na patay na patay sa kaniya? ” Hindi makaimik si Ianira dahil namuong bikig sa lalamunan nsng marinig ang mga sagot ni Ricar sa isang exclusive interview ng isang sikat na Showbiz reporter. “ So totoo bang kayo na ng kinakapatid mong si Hunter Del Carlo? ” Mahinhin na tumawa si Ricar. Parang hindi ito ang babaeng nagtungo sa Cape Montana noon at nakaharap niya. Parang hindi ito makabasag-pinggan sa