Chapter 65 "Sarah, kumain ka na muna," tawag sa akin ni Mama mula sa kusina. Tumayo ako mula sa pagkaka-upo sa sofa at pinuntahan siya. Inihahanda nito ang pagkain sa mesa. Hindi ako pumasok ngayon dahil ayoko. Simpleng ayoko. Hindi din naman pumasok si Hansal kaya naisipan ko nalang na umuwi muna dito sa amin. Pero ang alam ni Manang kaninang umalis ako sa bahay ay pumasok ako sa eskwela. Ayoko naman na magsinungaling pero ayoko din na sabihin na ayokong pumasok ngayong araw. Kaming dalawa lang ni Mama sa bahay dahil pumasok sa eskwela ang mga kapatid ko. Wala din si Papa dahil nag-trabaho daw ito. Well, tsinempohan ko talagang wala ang tatay ko dahil baka may masabi siya o kaya ay itanong kung bakit pumupunta pa ako dito. Kumuha ako ng pag-kain saka na sinimulang sumubo. Sinabaya