Chapter 64 Nakatingin ako sa ng labas see-through glass wall ng isang fast food chain dito sa loob ng mall habang tinitignan ang mga taong dumadaan. Buti pa sila, napaka-sigla at ang saya nilang tignan. Samantalang ako, parang gulay na unti-unting nalalanta dahil sa pag-alis niya. Dalawang araw na din mula nung lumipad siya patungo sa London. Dalawang araw pa lang pero pakiramdam ko, ang tagal na niya dun. Medyo nahihirapan at nalulungkot ako ngayong wala siya dahil sanay akong nakikita siya kapag umaga pagka-gising ko at kapag gabi bago ako matulog. "Hoy!" bulyaw sa akin ng isang tinig kaya ibinaling ko sakanya ang atensyon ko. "Mukha kang tanga!" dagdag nito. Nginitian ko lang siya. Inilapag niya ang hawak niyang tray sa mesa at saka ibinigay sa akin ang pag-kain na pinabili ko. Wala