Chapter 63 Nakatayo ako sa likod ng upuan sa may sala namin habang pinapa-nuod ang mga tao dito sa loob ng bahay habang nag-uusap-usap at naghihintay ng oras. Nandito ang mga magulang ni Jace, at dumating din kani-kanina lang ang kapatid at bayaw nito. Ngayon na kasi ang alis niya papuntang London. Si kuya Jap at ang daddy nila ang maghahatid sakanya sa airport. Ayoko na nga sanang lumabas sa kwarto ko dahil ayoko siyang makita. Kung hindi lang ako nahihiya sa mga magulang niya, talagang magku-kulong nalang ako sa kwarto ko. "Ingat ka, Jace, ha?" paalala ni Manang sakanya habang nakatayo ito sa gilid niya. "Bilhan mo ako ng tsokolate yung masarap!" dagdag pa nito. Tumawa silang lahat pero nanatili akong tahimik. Bumaling ang tingin sa akin ni Jace pero hindi ko siya pinansin. Naiini