Chapter 62 Seryoso kong pinagmamasdan ang mukha ng lalaking naka-upo sa driver's seat habang nagmamaneho. Seryoso din ang mukha nito na para bang may imaginary battle sa dinadaanan namin. Pero kahit ganun, gwapo pa din siya. Lalo na kapag kinakagat niya ang ibabang labi niya at napapailing dahil may biglang susulpot na sasakyan mula sa likod. At masasabi ko na medyo okay na kami. Medyo pa lang dahil pakiramdam ko ay may hindi siya sinasabi sa akin. Kahapong umuwi kami, hindi pa man siya nakaka-upo, agad na siyang umalis. Imposibleng may trabaho siya kahapon dahil linggo. Tinatanong ko siya kagabi pero ang sabi niya wala naman daw. "I can feel your gaze all over me. Stop it. Or I'll turn this car around and find some hotel to check in." agad kong inalis ang tingin ko sakanya saka nag-mur