Chapter 61 Naka-upo ako sa isa sa mga pool bench at nakangiting pinapanuod ang mga pamangkin ni Jace na parehong nakasakay sa salbabida na nasa swimming pool habang inaalalayan sila ni kuya Jap. Mukhang enjoy na enjoy silang dalawa kahit na hindi sila pwedeng umalis sa salbabida dahil baka malunod sila. May kalaliman din kasi itong pool na 'to, eh. Sabado ngayon at pinapunta kami ng mga magulang ni Jace at baka dito na din kami matulog dahil wala namang pasok bukas. Aalis na kasi sina ate Camille sa lunes at baka hindi na kami makapunta dahil may klase ako. Isinama na din namin si Manang para makita niya ang dalawa at pati na din sina ate Maureen. Kinakabahan nga ako kaninang papunta kami dito dahil baka sinabi ni Jace 'yung sinabi ko sakanya nung isang araw. At kinakabahan pa ako kapag