Chapter 57 Ala-singko pa lang ng umaga ay gising na ako at nakahanda na para pumasok kahit 7am pa lang ang klase ko. Hindi ako excited. Ayoko lang makita si Jace dahil kapag naalala ko 'yung sinabi niya kagabi, nabubuhay 'yung pandidiri ko sakanya. At hindi lang 'yung pandidiri. Pati na din 'yung pag-tusok ng milyong patalim sa dibdib ko. Kinuha ko ang phone ko para tawagan sana si Hansal, pero hindi ko na itinuloy. Magkikita din naman kami mamaya. Humugot ako ng isang malalim na hininga bago lumabas ng kwarto. Sumilip muna ako sa pintuan dahil baka gising na si Jace. Hindi ko na nga din namalayan ang pag-labas niya sa kwarto ko kagabi dahil nakatulog na ako. At hindi ko din alam kung nananaginip ba ako o ano pero naririnig ko pa din siyang nagsasalita habang tulog ako. But at least, na