"Are you sure, these are enough?" tanong sa akin ng asawa ko habang nilalagay sa loob ng kotse ang mga pinamili naming pagkain pandadag sa niluto ni Mama para kay Papa. "Oo! Ang dami nga, eh! Hindi naman tayo magpapa-feeding program!" saad ko na may kaunting iritasyon dahil madami ang mga binili niya na akala mo ay buong barangay ang pakakainin niya. Sabagay, pera naman niya ang ginamit niya. Pero pinipilit ko na ako nalang ang magbabayad since tatay ko naman 'yun, pero inunahan niya ako. "Sure ka, ha?" ulit nito. Hindi ko nalang siya sinagot dahil ulit-ulit nalang kami. Nang makasakay na kami sa sasakyan ay agad na kaming dumiretso sa amin. Ako nalang ang pinagbitbit ni Jace sa cake habang siya ay bitbit ang tigda-dalawang bilao ng Palabok at Pancit, tatlong gallon ng ice cream at dal