Chapter 48 Naka-kunot ang noo habang nakatutok ang paningin ko sa pinapanood ko, samantalang si Hansal ay reklamo nang reklamo. Naisipan niyang manood ng isang mystery s***h thriller s***h horror movie pero parang hindi naman ako natatakot dahil hindi ko masyadong maintindihan ang pinapanood namin dahil sa ingay ng kasama ko. Kanina pa siya salita nang salita sa bawat eksena at tinatawag pa niyang tanga ang mga character sa palabas. Minsan naman ay kapag hinahabol na sila ng killer ay sinisigiwan niya ang mga tao na bilisan ang takbo. Imbes na matakot ako, natatawa ako and at the same time, naiinis dahil daig pa niya ang mga nasa palabas. "Kung nakikinig lang kayo sa akin, edi sana buhay pa kayo! Tanga-tanga niyo!" sigaw nito sa telebisyon nang mamatay ang dalawang babaeng mag-kaibigan