Chapter 7

4129 Words
Chapter 7 Kate POV Nang makaalis sila Trixie pumila na ko sa linya para makapagpalista sa drama club, iniisip ko nga kanina na music club ang salihan ko pero nagbago ang isip ko dahil narinig ko si Thunder kahapon na sa kasama sya sa music club kaya naman nag drama club na lang ako para maiwasan sya. Kaya ko sya iniiwasan kasi ayoko ng away sa totoo lang, nakakasawang pakipagtalo sa kanya hindi kasi porket civil kami sa isa’t isa ngayon hindi kami mag aaway na dalawa. Hindi ko kasi matagalan ang ugali nya at ganun din sya sakin, hindi pa kami ayos na dalawa dahil hindi ko pa din nakakalimutan ang ginawa nya sakin at ang kayabangan nya. Nang ako na ang sumunod sa pila agad kong isinulat ang pangalan ko sa papel na ibinigay sakin ng isang estudyante at pinapasok nya ko sa loob, madalim sa paligid at tanging sa stage lang may ilaw pero hindi ganon kalinaw yon. Wala akong nakikita kahit ano bukod sa isang Television screen na nakikita ko mula sa kinatatayuan ko at lumabas bigla don ang salitang “Introduce yourself” kaya naman ginawa ko “I’m Kate Adams” pakilala ko at may nag appear na naman don sa screen “Act anything that will make you part of drama club” sabi don kaya kaya naman huminga ako ng malalim at ginawa ang dapat kong gawin. Sanay akong umarte kasi ginagawa ko naman to dati at para saan pa ang pag train sakin ng lola ko kung hindi ko naman magagamit diba, my grandmother is a former actress, well she is a famous actress back then even today pero hindi na sya umaarte at wala na din syang balak na bumalik sa pag arte. Ginawa ko kung ano ang kaya kong gawin sa pag arte at ipinakita sa kanila kung ano ang talent ko hanggang sa may biglang pumalakpak kaya tumigil na ko sa ginawa ko at doon na nga bumukas ang ilaw at nanlaki ang mata ko ng makita kung sino ang taong pumapalakpak “You’re good” sabi nya sakin at nilapitan ako. Pag nga naman minamalas ka “Tanggap ka na sa drama club” sabi nya sakin at inabot ang kamay nya sakin na tiningnan ko lang kaya binawi nya yon “I quit” sabi ko sa kanya at tatalikod “You can’t” sabi nya sakin kaya hinarap ko sya “I don’t need you opinion” sabi ko sa kanya kaya tumawa sya na ikinakunot ng noo ko “It’s not my opinion, hindi ka pwedeng mag quit dahil wala ka ng ibang club na pupuntahan” sabi nya sakin “Hindi ako naniniwala sayo” sabi ko sa kanya at inirapan sya kaya lumapit sya sakin “Hindi ako sinungaling” sabi nya sakin “Paano naman ako maniniwala sayo?” tanong ko sa kanya at tumingin sya sa likod ko kaya lumingon ako don at nakita kong nakatayo don si Max “Ang tagal nyo naman kayo na lang ang hindi nagpapasa ng listahan kay Jd” sabi ni Max kay Thunder “Ngayon na niniwala ka na?” tanong nya sakin kaya napabuntong hininga ako “Diba Music club ka bakit ka asa drama club?” tanong ko sa kanya kaya ngumiti sya “Bakit mo naman nalaman na asa music club ako? Nakinig ka ba sa usapan namin ni Nathan kahapon?” tanong nya sakin kaya natigilan ako “Hindi” sagot ko sa kanya “Iisa lang ang music club at ang drama club kaya pwedeng ipasa nyo na ung listahan nyo” sabi nya samin kaya tumingin sakin si Thunder at inabot ang papel na hawak nya kaya wala akong nagawa kung hindi ang pumirma don “Welcome to Music and Drama club” sabi nya sakin at lumapit kay Max saka inabot ang papel na pinirmahan ko. “Isa lang nadagdag sa club ko ngayon” sabi nya at tumingin sakin “Mapili ka kasi katulad ni Jd” sabi ni Max sa kanya at umalis na kaya aalis na din dapat ako ng hawakan ako ni Thunder sa braso ko kaya tumingin ako sa kanya ng masama “Anong problema mo?” tanong ko sa kanya at inalis ang kamay nyang nakahawak sakin “Gusto kitang makausap” sabi nya sakin kaya kumunot ang noo ko “Anong pag uuspan nating dalawa?” tanong ko sa kanya kaya hinila na lang nya ko bigla sa may backstage na mas kinataka ko “Bitawan mo na nga ako” sabi ko sa kanya at binitawan naman nya ko at inilibot ko ang paningin ko sa paligid “Bakit ba dito mo ko dinala?” tanong ko sa kanya at umupo na lang sya sa upuan sa may gilid kaya tiningnan ko sya at ngumiti sya sakin kaya napairap ako “Thunder magsalita ka na kung may sasabihin ka sakin” sabi ko sa kanya “Hindi mo pa din ba ko pinapatawag sa ginawa ko sayo?” tanong nya sakin kaya kumunot ang noo ko “Nanghingi ka ba ng sorry?” tanong ko sa kanya kaya nawala ang ngiti sa labi nya “I already did” sabi nya sakin kaya tinaasan ko sya ng kilay “Wala akong narinig na salitang sorry na lumabas sa bibig mo” sabi ko sa kanya kaya tumayo sya sa harap ko at inilapit ang muka sa muka ko kaya naman napaatras ako pero pader na ang naatrasan ko kaya itinulak ko sya pero hindi naman sya natinag “Thunder ano ba” reklamong sabi ko sa kanya “You should open up your locker” sabi nya at inilapit ang bibig sa tenga ko at ibinulong yon saka bigla na lang lumabas. Iniwan nya lang akong mag isa dito pag katapos nyang sabihin yon kaya napabuntong hininga ako at inayos ang gamit ko saka lumabas. Hindi ko alam kung anong sinasabi nya pero pumunta ko sa locker ko at humarap don “Kate” tawag sakin si Trixie kaya napalingon ako sa kanya “Bakit?” tanong ko sa kanya “Kanina pa kita hinahanap, andito lang ka lang pala” sabi nya sakin at binuksan ang locker nya kaya tiningnan ko sya “Bakit?” tanong nya sakin kaya umiling ako at binuksan din ang locker ko at doon bumungad sakin ang isang bouquet ng bulaklak at medyo nalalanta na yon saka isang sulat “Uy kanino galing yan?” tanong ni Trixie at sinilip ang locker ko. Kinuha ko ang bulaklak at tiningnan ang sulat saka yon binasa ‘Sorry for what I did, I hope you forgive me’ yon ang nakasulat sa card. “Mukang kilala ko na kung sino nag bigay nyan, isa lang naman ang manghihingi sayo ng sorry eh” sabi nya sakin saka ngumiti “Tara na nga lang kila Belle” sabi ko sa kanya at tinalikuran sya pero ang bumungad sakin ay si Thunder kaya naman natigilan ako “Maiwan ko na kayo” sabi ni Trixie samin “Uy teka lang” sabi ko sa kanya pero hinawakan na agad ni Thunder ang kamay ko at hinila ulit ako papunta sa kung saang lugar dito sa school. Grace POV Wala naman masyadong tao sa Art club kaya dumiretso na ko sa loob at nagtinginan sakin ang mga tao don kaya nahiya naman ako at akmang aatras ng may mabangga akong tao sa likod ko kaya natigilan ako at hinawakan nya ko sa balikat ko saka inilapit ang muka sa gilid ng muka ko “Saan ka pupunta?” tanong nya sakin kaya naman napalayo ako sa kanya dahil sa lapit ng muka naming dalawa at kung lilingonin ko sya paniguradong maglalapat ang labi naming dalawa kaya lumayo ako sa kanya saka sya hinarap at ang nakangiting muka nya ang bumungad sakin “Mag aaply sana ko for art club” sabi ko sa kanya at mas lalo syang ngumiti sa sinabi ko “Guys may bago tayong member! Treat her well kung hindi lagot kayo sakin” sabi nya sa pero alam kong pabiro lang ung huli nyang sinabi “Uy mukang may love life na ang head natin ah” sabi ng isang member ng club kaya tumawa naman si Max at inakbayan ako “Depende kung sasagutin ako” sabi nya sakin kaya naman inarapan ko sya at inalis ang pagkakaakbay nya sakin “Ang sagot ba ang gusto mo?” tanong ko sa kanya at tinaasan sya ng kilay “Uy Max ano daw?” sabi sa kanya ng mga member ng club “Sasagutin mo na ba ko?” tanong din nya sakin “Hindi” sagot ko sa kanya “Awww” sigaw ng mga member ng club at tinukso si Max “Ang sakit naman, basted agad ako ng nililigawan ko” sabi nya sakin “Teka lang nililigawan? Nanliligaw ka pala bakit hindi ko alam?” tanong ko sa kanya kaya lalong nag ingay ang lahat ng tao dito sa studio “Manligaw ka daw po muna kasi” sabi sa kanya ng isang estudyante at nag si tawa sila. “Sige tatanungin kita ngayon” sabi nya sakin kaya kumunot ang noo ko “Ano naman ang itatanong mo?” tanong ko sa kanya at ngumiti sya sakin at nilapitan ako “Pwede bang manligaw?” tanong nya sakin kaya nagsigawan ang lahat ng tao na andito ngayon “Hindi” sagot ko sa kanya at umiling kaya nag tawanan ang mga lahat ng andito ngayon saka kaya napabuntong hininga na lang si Max “Ayusin nyo na lang yang ginagawa nyo” sabi ni Max sa kanila at hinarap ako “Pumirma ka na dito para maipasa ko na kay Jd ngayon” sabi nya sakin ng seryoso na ang muka kaya kinuha ko yon at pinirmahan. Isa lang ang ibig sabihin ng seryosong muka nya, hindi sya seryoso sa mga sinasabi nya sakin kanina lang at isang biro lang sa kanya ang lahat. “Ayan na” sabi ko sa kanya at inabot ang papel na pinirmahan ko na tinaggap naman nya. “Pagkatapos nyo dyan pwede na kayong umuwi wala naman na tayong masyadong gagawin” sabi ni Max sa kanya kaya tumango sila sa kanya at muling hinarap nya ko “Mag usap tayo may sasabihin ako sayo” sabi nya sakin kaya kumunot ang noo ko sa kanya “Anong sasabihin mo sakin?” tanong ko sa kanya kaya bigla na lang nya kong hinila palabas ng studio “Uy saan mo ba ko dadalin?” tanong ko sa kanya at dinala nya ko sa may parking lot kung saan nakaparada ang kotse ko “Anong gagawin natin dito?” tanong ko sa kanya at bigla syang tumalikod sakin saka may kinuha sa kotseng nakaparada sa tabi ng kotse ko at nasisiguro kong kotse nya yon dahil yon ung kotseng muntik ng bumangga samin noong unang araw namin dito sa university. May kinuha sya dong isang bouquet ng bulaklak at lumapit sya sakin saka yon inabot “Para saan yan?” tanong ko sa kanya at tiningnan lang ang bulaklak na inaabot nya sakin “I want to apologize for what I did” sabi nya sakin at kahit alam ko kung ano ung sinasabi nya sakin tinanong ko pa din sya “Apologize for what?” tanong ko sa kanya “About what happened in your first day of school, I also bump into your car because of my reckless driving” sabi nya sakin kaya napabuntong hininga ako at tinaggap ang bulaklak na inaabot nya kaya ngumiti sya pero umiling ako kaya nawala ung ngiti nya “I’m forgive you because you apologize” sabi ko sa kanya at tumango sya “Pero hindi ibig sabihin non hindi ako naiinis sayo” walang prenong sabi ko sa kanya kaya natigilan sya “Ano bang problema sakin Grace?” tanong nya sakin “Walang problema sayo, ayoko lang na mainvolve sa tulad mo” sabi ko sa kanya at kumunot ang noo nya sa sinabi ko “Anong ibig mong sabihin na katulad ko?” tanong nya sakin kaya napabuntong hininga ako “Tulad mo na hindi naman marunong mag seryoso” sabi ko sa kanya “Tungkol ba to sa nangyari kanina?” tanong nya sakin kaya umiling ako “Hindi” sagot ko sa kanya “Grace kung ano ung sinabi ko sayo kanina don lahat yon totoo” sabi nya sakin “Kung totoo yon ang sagot ko sayo ay no” sabi ko sa kanya at tinalikuran na sya para ilagay sa kotse ko ang bulaklak ng bigay nya “Why?” tanong nya sakin at hinarang ako “No particular reason” sabi ko sa kanya saka sya iniwasan at bumalik na sa building ng university para hanapin sila Trixie. Sa totoo lang ayoko lang naman maulit ang nangyari noon kaya umiiwas ako ngayon, ayokong mahulog sa isang taong alam kong hindi ako seseryosohin tulad ng ginawa sakin noon. Trixie POV Pagkatapos naming ihatid si Belle sa may garden nagtungo kami ni Nathan sa library para puntahan ang club members nya “Ganun na lang ba kadaling matanggap sa book club?” tanong ko sa kanya at umiling sya “Kung ganon bakit mo nasabing tanggap na ko?” tanong ko sa kanya “Kasi nakita ko ung talent mo” sabi nya sakin at pumasok na kami sa loob ng library kung saan may mga estudyanteng nagbabasa at ng makita nila si Nathan tumingin sila dito “Guys may bago tayong member” sabi nya at itinuro ako “Welcome to the book club” sabi nila sakin kaya ngumiti ako “Thank you” sabi ko sa kanila “Sige guys pagpatuloy nyo na yang ginagawa nyo” sabi nya sa kanila kaya naman bumalik na ulit ang lahat sa pagbabasa at dinala naman ako ni Nathan sa may bandang dulo ng library kung saan wala masyadong estudyanteng pwedeng maistorbo “Bakit mo ko dinala dito?” tanong ko sa kanya at ngumiti sya sakin saka ako inabutan ng isang libro at nanlaki ang mata ko ng makita ang librong inabot nya sakin “Saan mo to nakuha?” tanong ko sa kanya at tiningnan ang librong ibinigay nya sakin. Sobrang hirap na kasi nitong hanapin ngayon dahil may kalumaan na din at base sa istura ng libro sobrang ayos pa nya at talagang inalagaang mabuti “It’s one of my collection” sabi nya sakin “Eh bakit ibinibigay mo sakin?” tanong ko sa kanya dahil alam kong mahalaga to sa kanya “I want to apologize for what me and Max did” sabi nya sakin “Okay lang naman sakin ang simpleng sorry pero bakit may ganito pa, tatanggapin ko ung sorry mo pero hindi ko tatanggapin tong libro kasi alam kong mahalaga sayo to as a collector at sobrang rare lang ng librong to” sabi ko sa kanya at ngumiti “I insist Trixie, take the book” sabi nya sakin pero umiling ako sa kanya at ibinalik yon “Hindi Nathan, sapat na sakin ung sorry mo” sabi ko sa kanya kaya napabuntong hininga sya “How I about I treat you for dinner tonight” sabi nya sakin “Okay” sagot ko sa kanya kaya ngumiti sya. Nakikita kong mabait si Nathan at hindi sya ung taong basta basta na lang mananakit ng feelings ng isang babae hindi tulad ng isang taong kilala ko pero nakaraan na yon at tapos na para sakin, hindi ko na nga lang alam kung sa mga kaibigan ko ba tapos na nga ba sa kanila ang lahat. “Mukang malalim ang iniisip mo ah” sabi nya sakin kaya tiningnan ko sya “May naalala lang ako” sabi ko sa kanya “Sino?” tanong nya sakin “Paano mo naman nasabi na tao ang naalala ko?” tanong ko sa kanya “Halata naman sa mga mata mo na may naalala kang tao sa buhay mo” sabi nya sakin kaya napabuntong hininga ako “Hindi ka lang pala matalino marunong ka din magbasa ng tao” sabi ko sa kanya kaya bahagya syang natawa “Madali ka lang kasing basahin” sabi nya sakin kaya napatango ako “Tama ka naman dyan sa nasabi mo” sabi ko sa kanya at tumango. Nag usap lang kaming dalawa sa loob ng library at ang gaan ng loob ko sa kanya dahil na din siguro may magkaparehas kami ng gusto pati na din ng ilang mga ugali namin. Her POV Iniiwasan ko na nga sya pero nagkikita pa din kaming dalawa at pati ba naman sa club na sasalihan ko sya pa ang head. Hindi ko alam kung pinaglalaruan lang ako ng tadhana o ano “Kung wala naman na palang problema pwede ka ng kumuha ng litrato” sabi nya sakin kaya napabuntong hininga ako at ginamit na ang kamera na asa lamesa saka nag simulang kumuha ng mga litrato dito sa garden. Napakasungit talaga nya kahit kelan, kahit na nanghingi na sya ng sorry sakin mukang hindi pa din kami okay na dalawa pero ano bang pakielam ko don. Kumuha na lang ako ng mga litrato pero hindi ako satisfied sa mga nagiging resulta dahil puro eto lang din naman ang makikita at paniguradong lahat ng gustong sumali sa club eto ang mga naging kuhang litrato kaya naman nag ikot ikot ako sa buong garden at nakakita ako ng magandang view kaya naman agad akong umakyat sa upuan na nakita ko at ibinalanse ang katawan ko para hindi ako malaglag saka nag intay ng perfect timing at kumah ng litrato. “Are you done?” tanong ni Jd sakin kaya nilingon ko sya at wala sa loob na nawalan ako ng balanse kaya nanlaki ang mata ko at napasigaw “Ahhh” sigaw ko saka pumikit na lang at inintay na bumagsak ang katawan ko sa lapag pero ilang segundo na ang nakalipas hindi ako bumabagsak sa lapag kaya naman iminulat ko ang mata ko at nanlaki ang mata ko ng makita si Jd na buhat “Ibaba mo ko” sabi ko sa kanya pero hindi nya ko binaba at binuhat nya ko papunta sa may tagong bahagi ng garden at doon ibinaba “Bakit mo ko dinala dito?” tanong ko sa kanya pero hindi nya ko sinagot kaya inirapan ko sya at tinalikuran para umalis pero pinigilan nya ko “Bakit ba?” tanong ko sa kanya at medyo napalakas ang boses ko kaya tinakpan nya ang bibig ko at nagpumiglas naman ako “Be quiet” sabi nya sakin kaya tumango ako at doon na nya inalis ang pagkakatakip nya sa bibig ko “Ano bang problema mo?” tanong ko sa kanya sa mahinang boses na lang at umayos sya ng upo saka may itinuro sa bandang likod ko kaya tumingin ako don at nakita ko si Kate at Thunder “Anong ginagawa nila dito?” tanong ko kay Jd at nagkibit balikat sya sakin “Magkasama tayong dalawa kaya paano kong malalaman kung anong ginagawa nila dito” sabi nya sakin kaya napabuntong hininga na lang ako at umupo sa tabi nya saka tiningnan ang ginagawa nila Kate at Thunder. Alam kong hindi sila mag ka good na dalawa kaya hindi mawala sa isip ko kung bakit sila mag kasama ngayon dito sa garden “Teka lang, diba may tao sa labas paanong nakapasok sila dito eh hindi naman sila member ng club?” tanong ko kay Jd “Pinaalis ko na ang tao sa labas kanina habang busy ka sa pagkuha ng mga litrato dahil uwian na” sabi nya sakin kaya napatingin ako sa relo ko at tama nga sya uwian na. “Kailangan ko ng umuwi” sabi ko at tumayo pero hinila nya ko pauwi ulit kaya sinamaan ko sya ng tingin “Hindi ka makakalabas ng hindi nila makikita at kung gagawin mo yon paniguradong maiistorbo mo ang ginagawa nilang dalawa” sabi nya sakin kaya wala na talaga kong nagawa kung hindi ang panoorin sila Kate “Hindi ba masama tong ginagawa natin?” tanong ko sa kanya “Anong sinasabi mo dyan?” tanong nya sakin kaya inirapan ko sya “Nakikinig tayo at pinapanood natin silang dalawa” sabi nya sakin kaya umangat ang isang sulok ng labi nya “Ikaw lang naman ang nanonood at nakikinog sa kanila” sabi nya sakin kaya nilingon ko sya at nakita ko syang hawak ang laptop nya at nakasuot na din sya ng earphone kaya sinamaan ko sya ng tingin “So ako lang ang nakikinig sa kanila ganon” sabi ko sa kanya inalis ang earphone ko at sinara ang laptop nya kaya tumingin sya sakin “Do not disturb me” sabi nya sakin “Ikaw ang may pakana nito kaya mag tiis ka” sabi ko sa kanya at inilayo sa kanya ang laptop nya kaya napailing na lang sya “Hindi kita maintindihan Thunder” narinig naming sabi ni Kate kaya parehas kaming napalingon don at mukang nagtatalo na ung dalawa “Mali talaga to” sabi ko sa kanya “Kung gusto mong makinig sa pag uusap nila makinig ka kasi wala naman tayong magagawa kung hindi ganon ang mangyari saka paniguradong malalaman mo din naman yan dahil pag uusapan nyo yang magkakaibigan dahil ganon naman ang ginagawa ng mga babae” sabi nya sakin kaya inirapan ko sya. May punto din naman sya sa sinabi nya pero depende pa din naman kay Kate kung sasabihin nya samin to. “Hindi mo maintindihan kasi ayaw mong intindihin” sabi ni Thunder sa kanya “Ganyan ba talaga yang kabigan mo mana sayo?” tanong ko sa kanya “Mag kakaiba kami ng ugaling lahat” sabi nya sakin “Sabagay tama ka dyan, ikaw nga lang pala ung sobrang sungit at bossy sa lahat” sabi ko sa kanya “Ganon ka din naman” sabi nya sakin “Hindi ako katulad mo” sabi ko sa kanya “Nagsasabi lang ako ng totoo dahil masungit ka din naman” sabi nya sakin kaya inirapan ko sya. Masungit ako sa taong masungit din sakin at isa na sya don. “Ewan ko sayo” sabi ko na lang sa kanya at tiningnan sila Kate at Thunder. “Hindi ko lang naman kasi maintindihan kung bakit dinala mo pa ko dito” sabi ni Kate kay Thunder “I just want to make sure that you will forgive me” sabi ni Thunder sa kanya kaya tiningnan ko si Jd noong napabuntong hininga sya “Bakit?” tanong ko sa kanya “Hindi pa din nagbabago si Thunder” sabi nya kaya kumunot ang noo ko “Anong ibig mong sabihin?” tanong ko sa kanya “Thunder is the type of person who make everything so sure, ayaw nyang hindi sigurado ang lahat ng bagay at nakuha nya yon sa nakaraan nya” sabi ni Jd sakin at napailing. Hindi na ko nagtanong pa sa kanya dahil masyado ng personal ang bagay na yon at hindi naman kami ganon ka close para itanong sa kanya yon. Muli kong tiningnan si Kate at Thunder, lalo na si Kate at napabutong hininga na lang ako sa mga kilos ni Kate dahil para syang si Thunder sa sinabi ni Jd kanina. Hindi pa nga din nag babago si Kate pagkatapos ng nangyari noon, sabagay sino nga ba ang agad na makakalimot pero sa aming apat sila ni Trixie ang maayos ang naging nakaraan pero alam kong may sakit pa din na nararamdaman si Kate sa puso nya at tinatago nya lang yon, ngayon nakikita ko yon dahil sa ginagawa ni Thunder at kung paano nya iwasan to ngayon. “Baka matunaw sila sa kakatitig mo dyan” sabi nya sakin ni Jd “Nag oobserba lang ako sa kanila” sabi ko sa kanya at umayos ng upo bahagya naman syang natawa “Ikaw ang nag sabi kanina na masama ang makinig sa pag uusap nila pero ikaw tong inoobserbahan sila ngayon” sabi nya sakin kaya napabuntong hininga ako “Naniniguro lang baka may gawing masama si Thunder kay Kate” sabi ko sa kanya “Hindi ganong klaseng tao si Thunder” sabi nya sakin kaya napatango ako sa kanya “Sakin hindi ka ba maniniguro kung wala akong gagawin sayong masama?” tanong nya sakin kaya nilingon ko sya at nanlaki ang mata ko ng sobrang lapit ng muka nya sa muka ko. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD