Chapter 8
Her POV
Nanlaki ang mata ko ng sobrang lapit ng muka nya sakin ng lingonin ko sya kaya naman napaatras ako pero wrong move dahil pader lang ang naatrasan ko at mas lumapit pa ang muka nya sakin, mukang wala na kong kawala sa kanya “Jd” tawag ko sa kanya at nag iwas ng tingin “Bakit umiiwas ka?” tanong nya sakin “Ano ba Jd umayos ka nga” sabi ko sa kanya at hindi sya nilingon dahil pag ginawa ko yon alam kong maglalapat ang labi namin at nararamdaman ko na din na namumula na ang muka ko ngayon “Masyado ka kasing kampante” sabi nya at biglang lumayo sakin kaya nakahinga ako ng maluwag at hindi ko napigilan ang sarili ko na sigawan sya “Nakakainis ka” sigaw ko sa kanya kaya nilingon nya ko at nailing sya sakin at doon ko lang na realize na hindi nga lang pala kami ang tao dito kaya napailingon ako sa gawi nila Kate at nakatingin na sila samin ngayon kaya napatampal ako sa noo ko. Ang tanga ko hanep naman “Belle!” tawag sakin ni Kate kaya lumapit kami ni Jd sa kanila “Anong ginagawa nyo dito?” tanong samin ni Thunder “I should be the one asking you that” sabi ni Jd sa kanila at may point sya don “Oo nga, bakit kayo andito?” tanong ko sa kanila kaya nagtinginan silang dalawa “We just talk” sabi ni Thunder kaya napatango ako “Kayo, bakit kayo andito?” tanong ni Kate samin “Dito ang lugar kung saan ang photography club” sabi ko sa kanya kaya napatango sya sakin at kumapit ako sa braso nya “Tara na” sabi ko sa kanya at hinila na sya paalis “Bakit nagmamadali ka?” tanong nya sakin ng makaalis kami ng garden “Ayaw mo bang umalis don?” tanong ko sa kanya “Gusto syempre” sabi nya sakin kaya napatango ako at nakarating kami sa parking lot kaya hinarap ko na sya “Anong namamagitan sa inyo ni Thunder?” tanong ko sa kanya “Anong meron sa inyo ni Jd?” tanong nya sakin at sabay pa naming sinabi yon sa isa’t isa. Magsasalita sana ulit sya pero inunahan ko na sya “Ako muna” sabi ko sa kanya kaya napabuntong hininga sya at tumango “Sige” sabi nya sakin “Umamin ka nga sakin ngayon, anong meron sa inyo ni Thunder?” tanong ko sa kanya at pinagtaasan sya ng kilay “Wala, sinisigurado lang nya na pinatawad ko na sya sa ginagawa nya sakin” sabi nya sakin at yon nga ang narinig ko pero tumingin ako sa bulaklak na hawak nya “Eh bakit may ganyan pa?” tanong ko sa kanya “Eto ang way nya para humingi ng sorry” sabi nya sakin pero pansing kong malalanta na ung bulakalak kaya kumunot ang noo ko “Eh bakit palanta na?” tanong ko sa kanya “Kahapon pa kasi to sa locker ko at hindi ko alam na humihingi sya ng sorry sakin, kanina lang nya nabanggit noong nag audition ako sa drama club” sabi nya sakin habang nakatingin sa bulaklak na hawak nya. Mahilig sa bulaklak si Kate lalo na pag paborito nyang bulaklak, actually kaming apat naman mahihilig sa bulaklak pero si Kate bigla na lang inayawan ang mga bulaklak kahit na paborito pa nya at ngayon ko na nga lang sya nakitang humawak ng bulaklak. Ang bulaklak na ibinigay ni Thunder sa kanya ay paborito nyang bulaklak, mukang nagkataon na eto pa ang ibinigay ni Thunder sa kanya kasi imposible naman na malaman ni Thunder ang paborito nyang bulaklak diba. “Bakit hindi ka ata masaya?” tanong ko sa kanya kahit may konting alam ako kung bakit ganyan ang itsura nya “Naalala ko lang ang ibig sabihin ng bulaklak na to” sabi nya sakin at kumunot ang noo ko “Ano?” tanong ko sa kanya “Fresh start at eto ang bulaklak na ibinigay nya sakin noong naghiwalay kami” sabi nya sakin at ngumiti ng mapait “Maybe because he want you to start a new” sabi ko sa kanya at tumango sya “Maybe and now I receive another one pero in form of saying sorry mas mainam pa din na nanggaling sa bibig ang lahat para mas sincere, nalalanta kasi ang bulaklak” sabi nya sakin at alam kong may malalim syang ibig sabihin don “Kate” tawag ko sa kanya at ngumiti sya sakin “Masyado na kong nagiging sentimental, hahanapin ko na sila Grace ng makauwi na kami at ikaw umuwi ka na kasi paniguradong inaantay ka n ani ate Devlin” sabi nya sakin “Hindi mo ba ko tatanungin?” Tanong ko sa kanya at umiling sya “Alam ko naman kung bakit kayo magkasama ni Jd at dahil yon sa audition mo din” sabi nya sakin at ngumiti “Oo nga” sabi ko sa kanya “Hahanapin ko na ung dalawa, ingat sa pagmamaneho mo” sabi nya sakin kaya tumango ako sa kanya at hinayaang syang makaalis. Tiningnan ko sya at napabuntong hininga na lang ako saka sumakay sa kotse ko pero natigil ako ng may makita akong bulaklak don na ikinalaki ng mata ko. “Purple Hyacinth” sambit ko at kinuha yon para tingnan kung may letter man lang pero wala, Purple Hyacinth symbolize ‘I am sorry’ or ‘Please forgive me’ yan ang ibig sabihin ng bulaklak na yan pero sino ang magbibigay sakin nito? Si Jd? At kung sya nga bakit pa? Ibinalik ko sa passenger seat ang bulaklak at nag drive na pauwi sa bahay, hindi ko alam kung sino ang magbibigay sakin ng bulaklak at ayokong isipin na sya yon dahil hindi yon magpaparamdam sakin. Nang makauwi ako sa bahay may nakita kong kotseng nakapara sa harap ng bahay namin at sa palagay ko eto ang sasakyan ng boyfriend ng kapatid ko kaya naman bumaba na ko sa koste ko bitbit ang gamit ko pati na din ang bulaklak na natagpuan ko sa koste ko. Pag pasok ko sa loob ng bahay walang sumalubong sakin at feeling ko asa likod silang lahat kaya naman umakyat muna ko sa kwarto ko para magpalit ng damit at inilagay sa vase ang bulaklak saka bumaba para puntahan sila “Buti naman andito ka na, kanina ka pa inaantay ng kapatid mo” sabi sakin ni manang ng makita akong pababa sa hagdan “Pupuntahan ko na po sila” sabi ko kay Manang kaya tumango sya sakin at naglakad na ko papunta sa garden kung saan naabutan ko don sila Mommy “Good thing your already here” sabi sakin ni Mommy at sinalubong ako “Sorry I’m late” sabi ko sa kanila at umiling si Daddy sakin “You’re just in time” sabi sakin ni Daddy at naglakad kami ni Mommy papunta sa kanila “Devlin your sister is here” sabi ni Mommy kay ate kaya lumingon samin si ate pati na din ang lalaking kasama ni ate “Good thing you’re here” sabi ni ate sakin at nilapitan ako saka hinila papunta sa lalaking kasama nya “Dan I want you to meet my lovely sister, Belle” sabi ni ate at ipinakilala ko sa boyfriend nya “Nice to meet you Belle” sabi nito sakin at inilahad ang kamay kaya naman tinanggap ko din yon “Nice to meet you too” sabi ko sa kanya at ngumiti. Tiningnan ko ang boyfriend ni ate at may kamuka sya pero hindi ko lang sigurado kung sino kaya hindi ko na lang pinansin “Ngayong kompleto na tayo let’s eat” sabi ni mommy kaya naman umupo na kami sa pwesto namin para kumain “So Dan what do you do?” tanong ni daddy sa kanya habang kumakain kami kaya napatingin kami kay Daddy dahil sa tanong nya “I’m working at our company sir” sagot nya kay daddy “What company?” tanong ni Dad sa kanya at mukang malalagay sa hot seat ang boyfriend ng kapatid ko ngayon, unlike someone I know. “Dela Cruz Corporation” sagot nya kay Dad kaya napatango si Daddy “So you’re the son of Juancho and Diana” sabi ni Mommy kaya tumango sya “Yes po” sagot nya sa kanila “Tomorrow I will be with your father to talk about something and I guess you will be with him” sabi ni papa sa kanya “He already mention that to me sir” sabi nya kay Daddy at hinayaan ko na lang silang mag usap usap at hindi na inintindi ang pinag-uusapan nila dahil tungkol lang naman yon sa business at labas na ko don sa ngayon dahil hindi pa naman eto ang oras para makisali ako don. “By the way diba same university lang din nag aaral ang brother mo saka ung sister ko?” tanong ni ate kay Kuya Dan kaya nilingon ko sila “Yes and maybe she knew my brother” sabi nya saka tumingin sakin “May I know the name of your brother?” tanong ko sa kanya “Jos----” sabi nya pero hindi nya natapos kasi tumunog ung cellphone ko at tiningnan ko kung sino ang tumatawag don. Kumunot ang noo ko ng number lang ang tumatawag “Excuse me lang po, I need to answer this call” sabi ko sa kanila at tumango sila sakin kaya tumayo na ko para sagutin ang tawag “Hello” sabi ko pagkasagot ko ng tawag pero walang nagsasalita sa kabilang linya kaya kumunot ang noo ko “Who’s this?” tanong ko pero wala pa din nag sasalita kaya napabuntong hininga na lang ako at pinatay na ang tawag. It must be a prank call, bumalik na lang ako sa upuan ko at ipinagpatuloy ang pagkain “Who’s that?” tanong ni Mommy sakin “I don’t know, maybe nag ti-trip lang po” sagot ko kay Mommy kaya napatango sya at nagpatuloy na kami sa pagkain namin. Nang matapos ang dinner namin nagpaalam na ko sa kanila para magpahinga kahit ayaw pa sana ni ate “Maaga pa naman” sabi sakin ni ate “I just want to rest already ate saka magkikita pa naman kami ni Kuya Dan” sabi ko sa kanya at tumango si kuya sakin “Let your sister rest, she must be tired from school works” sabi ni kuya Dan kaya tumango ako “Sige na nga, you can go to your room and rest” sabi nya sakin at pinakawalan na ko “Nice meeting you Kuya Dan and see you when I see you” sabi ko kay Kuya Dan at tumango sya sakin kaya naman umakyat na ko sa taas para magpahinga. Nang makapasok ako sa kwarto ko nagpalit na ko agad ng pantulog ko saka nahiga sa kama ko. Nakakapagod ang araw na to sa totoo lang pero hindi pa din mawala sa isip ko ang naging pag-uusap ni Thunder at Kate kanina pati na din pala ang bulaklak na natagpuan ko sa sasakyan ko kanina, isang tao lang ang laman ng isip ko na pwedeng mag bigay sakin nito pero tulad nya ng asa isip ko don napaka-imposible naman na sa kanya manggagaling ang bulaklak kung wala naman na sya dito ngayon.
Josh Dale POV
Hinayaan na lang namin ni Thunder na umalis si Belle at Kate “Hindi mo ba sya hahabulin?” tanong ko kay Thunder kaya umiling sya “Para saan?” tanong nya sakin “Akala ko ba humihingi ka ng sorry pero mukang hindi naman ata” sabi ko sa kanya kaya napabuntong hininga sya “I will be honest to you Jd, simula noong nawala sya sa buhay ko akala ko katapusan na ng lahat pero isang araw nagising na lang ako na maayos na pala ko at wala na lahat ng sakit na idinulot nya” sabi nya sakin kaya ako naman ang napabuntong hininga “Sinasabi mo yan ngayon kasi?” tanong ko sa kanya at tiningnan sya pero nakatingin lang sya sa palayong si Kate “Kasi maayos na ko” sabi nya sakin kaya napailing ako “Sinungaling” sabi ko sa kanya kaya nilingon nya ko “Kung ayaw mong maniwala wala na ko don” sabi nya sakin kaya napailing ako sa kanya “Magpakatotoo ka Thunder kasi hindi ikaw ung taong kilala na gagawin yon ngayon sa babaeng kaaway nya” sabi ko sa kanya at tinapik sya sa balikat “Ako lang ba Jd?” tanong nya sakin kaya tiningnan ko sya “Wag mo kong simulant” sabi ko sa kanya at nagsimula ng maglakad paalis sa garden “Hindi ako ang nagsimula Jd, ikaw” sabi nya sakin “Sinasabi ko lang sayo ang nakita ko” sabi ko sa kanya “May nakita din naman ako at hindi ako tanga para hindi kayo makita ni Belle kanina sa pinagtataguan nyo” sabi nya sakin at alam ko yon, hindi si Thunder ung taong hindi malakas ang pakiramdam. Noong mga oras na hinahayaan namin sila na mag usap alam kong alam nyang nakikinig kami kaya naging maingat sya pero kahit na ganon napansin ko pa din ang mga ginawa nya kanina na nagpapatunay lang na hanggang ngayon may mga bagay pa din na hindi basta basta nawawala ng ganon lang kadali. “Wala kaming ginagawa ni Belle, kayo ang basta na lang pumasok sa garden kung saan ginaganap ang audition para sa club na hawak ko” sabi ko sa kanya kaya natawa sya “Hindi ko kailangan ng paliwanag mo Jd wag mo naman gawing halata ang lahat” sabi nya sakin kaya napailing ako “Just focus on your goal Thunder, alam kong may gusto ka kay Kate tulad na lang nila Max at Nathan na may gusto din kay Grace at Trixie” sabi ko sa kanya “Sabihin mo din yan sa sarili mo” sabi nya sakin pero hindi ko na sya pinansin at sumakay na ko sa kotse ko para umuwi na pero bago pa man ako makaalis ng campus hinarang na agad ako ng kotse ni Max kaya napailing ako at bumaba “Anong problema?” tanong ko sa kanya “Tatambay kami sa condo mo” sabi nya sakin “Anong kalokohan na naman ang binabalak nyo?” tanong ko sa kanya “Wala, may pag-uusapan lang tayo” sabi nya sakin kaya tumango na lang ako at sumakay na ulit sa kotse ko. Wala akong alam sa gusto nilang pag-usapan namin pero kung ano man yon paniguradong importante yon. Mabilis akong nagmaneho papunta sa condo ko at halos sabay sabay lang kaming dumating nila Max don “Siguraduhin nyo lang na matino ang pag-uusapan natin” sabi ko sa kanila at sumakay na kami ng elevator paakyat sa unit ko “Seryoso ang pag-uusapan natin ngayon wag kang mag alala Jd” sabi sakin ni Max kaya tumango ako at binuksan ko na ang unit ko saka kami pumasok sa loob lahat. “Ano bang gusto nyong pag-usapan natin?” tanong ko sa kanila “May gusto kasi kaming gawin ni Nathan” sabi ni Max kaya tiningnan ko sila ni Nathan “Ano yon?” tanong ni Thunder sa kanila “Ganito kasi yan…………” sabi ni Nathan at idinetalye nya samin ang balak nila ni Max kaya napabuntong hininga ako at tumingin kay Thunder na hindi na kumibo “Ano sa palagay nyo?” tanong ni Max samin ni Thunder “Kayo bahala” sabi ko sa kanila at magsasalita pa sana sila ng makarinig kami ng doorbell “May bisita ka?” tanong ni Nathan sakin “I’m not the type of person who always have a visitor” sabi ko sa kanya “Alam ko, pero sino yon?” tanong nya sakin “Muka bang alam ko” sabi ko sa kanya at umiling na lang saka binuksan ang pinto para malaman kung sino ang tao sa labas ng unit ko. “Kuya” sabi ko ng sya ang makita ko pagbukas ko ng pinto “Pwede ba kong pumasok?” tanong nya sakin kaya tumango ako at pinapasok sya “Kuya Dan!” tawag sa kanya nila Max ng makita sya “Buti na lang andito kayo, papatawagan ko sana kayo kay Jd” sabi nya sakanila at umupo sa bakanteng upuan sa tabi ni Thunder “Kelan ka pa umuwi kuya?” tanong ni Nathan sa kanya “Ngayon lang” sabi nya samin “What are you doing here then? Hindi ba dapat akila Dad ka ngayon?” tanong ko sa kanya “Nagkita na kami even lolo kaya ikaw naman ang pinuntahan ko” sabi nya sakin kaya tumango ako at kumuha ng beer sa ref saka yon inabot sa kanila “Bakit ka umuwi kuya?” tanong ni Thunder kay Kuya “May gusto akong ipakilala sa inyo saka kila Dad kaya ako umuwi” sabi ni kuya kaya tiningnan ko sya ng may pagtataka “Sino?” tanong namin sa kanya “Girlfriend ko” sabi nya sakin “The one that you’ve been talking about this past few years?” tanong ko sa kanya at tumango sya “Mukang magseseryoso ka na kuya ah” sabi ni Max sa kanya “Seryoso naman ako kayo lang ang hindi pero dapat mag seryoso na kayo ngayon dahil hindi pwedeng puro laro ang gagawin nyo” sabi nya samin “Seryoso naman kami kuya” sabi ni Max pero tumawa lang si Kuya sa kanya “Alam ba to ni Lolo?” tanong ko sa kanya dahil knowing our grandfather, he wouldn’t easily accept someone unless he will like that person, when I mean he like the person that person should bring benefits with the company that he love “I already told him and he said yes” sagot ni kuya sa tanong ko “Good for you” sabi ko sa kanya kaya napabuntong hininga sya “Jd ang tagal na non, hindi pa ba kayo mag aayos ni lolo?” tanong nya sakin “Alam ko at nag usap na kaming dalawa” sabi ko sa kanya at inubos ang hawak kong beer “Change topic na” sabi ni Max saka tumawa “Kuya kelan mo kami ipapakilala sa kanya?” tanong ni Nathan kay Kuya “Soon ipapakilala ko kayo sa kanya pero sa ngayon uminom muna tayo at kayo naman ang mag kwento sakin” sabi nya samin kaya naman nagsimula ng magkwento si Nathan kay Kuya sa mga nangyari samin pero hindi ko na sila pinakinggan pa at hinayaan na lang. Tumayo ako at hinayaan sila don, pumunta ko sa balcony ng condo ko at nagpahangin “Mukang ikaw Jd ang hindi makalimot” sabi nya sakin at tinapik ako sa balikat “Nakalimot na ko Thunder pero ung sama ng loob ko sa lolo hindi na ata mawawala dahil sa sobra nyang pakikielam noon” sabi ko sa kanya “He is still your grandfather Jd” sabi nya sakin “Alam nyo ang ginawa nya sakin at hindi ko alam na magagawa nya yon sakin” sabi ko sa kanya kaya napabuntong hininga sya “Alam namin at hindi namin nakakalimutan yon Jd pero panahaon na siguro Jd para ibaon lahat sa limot, kasi ako ganon na ang gagawin ko ngayon. Nangyari na kasi yon at hindi na maibabalik pa kung mabubuhay tayo sa nakaraan walang mangyayari” sabi nya sakin kaya hindi ko naiwasan na ngumiti “Mukang iba ang epekto sayo ni Kate ah” sabi ko sa kanya kaya napailing sya “Walang kinalaman si Kate dito, sinasabi ko lang ang dapat at matagal na nating ginawa tulad ng ginawa ni Max noon” sabi nya sakin kaya tumango ako sa kanya dahil tama naman sya sa sinabi nya pero ung nangyari kay Max ibang usapan yon.