Chapter 18

4220 Words
Chapter 18 Her POV Nauna kaming umalis kila Jd pero naiwan si Trixie dahil mukang may pag-uusapan pa sila ni Nathan at hinayaan ko na lang silang dalawa dahil kailangan nilang dalawa yon. “How was Trixie?” tanong sakin ni Grace “She was confused” sagot ko sa kanya “ano ba kasi ang score sa kanila ni Nathan?” tanong nila sakin “Sabi nya sakin kanina inamin daw ni Nathan sa kanya na may gusto sya kay Trixie” sabi ko sa kanila “Eh anong ginawa ng kaibigan natin?” tanong ni Grace sakin kaya napabuntong hininga ako “He reject Nathan” sabi ko sa kanila kaya pati sila napabuntong hininga na din “Nakikita ko naman sa mga mata ni Trixie na may gusto sya kay Nathan pero anong dahilan nya para i-reject ung tao?” tanong ni Kate sakin “Hindi ko alam kung ano ang totoong dahilan pero kanina tinanong ako ni Trixie kung bakit mas pinili kong magmahal non kesa sa pagiging magkaibigan lang namin” sabi ko sa kanila “She’s afraid” sabi ni Grace kaya tiningnan ko sya at ganon din si Kate “Afraid of what?” tanong ni Kate kay Grace “She’s afraid of getting hurt, kahit pa sinabi ni Nathan na gusto nya si Trixie hindi pa din nakakuha ng assurance si Trixie kay Nathan na hindi sya nito sasaktan” sabi ni Grace samin at napailing “Kaya mas pinili nyang maging magkaibigan na lang silang dalawa” sabi ni Kate samin “Alam nyo hayaan muna natin sila kasi issue nila saka alam naman natin na sila lang ang makakasagot ng mga bumabagabag sa kanila” sabi ko sa kanila kaya napatango si Kate sakin at inihinto ko na ang kotse ko sa tapat ng bahay nila “See you tomorrow morning” sabi nya samin at bumaba na ng koste ko para pumasok sa loob pero bago sya makapasok tinawag ko sya “Maaga bukas, intayin ka namin sa bahay” sabi ko sa kanya kaya tumango sya “Ingat sa pagmamaneho” sabi nya sakin kaya tumango ako sa kanya at si Grace naman ang isinunod kong inihatid “Anong sinagot mo kay Trixie kanina?” tanong nya sakin kaya tumaas ang isang sulok ng labi ko “Bakit mo tinatanong?” tanong ko sa kanya at sandaling nilingon sya “I’m just curious” sabi nya sakin kaya natawa ako “Sinabi ko sa kanya ang totoo na kaya ko mas pinili ko na mahalin sya kasi yon ung sinisigaw ng puso ko at saka sinabi ko sa kanya na magkaiba naman ang sitwasyon namin noon saka sundin nya kung ano ang laman ng puso nya kasi mahirap magsisi sa huli” sabi ko sa kanya kaya napangiti sya “Diba yon ang ginawa mo ngayon Grace?” tanong ko sa kanya “Anong ibig mong sabihin?” tanong nya sakin kaya ngumiti ako sa kanya “Sinunod mo ang puso mo kaya pumayag ka sa gusto ni Max” sabi ko sa kanya at inihinto ang kotse ko sa tapat ng bahay nila “Sabi mo nga mahirap magsisi sa huli at na realize ko kasi na kung matatakot akong magmahal ulit at masaktan walang mangyayari saka hindi naman maiaalis ang sakit pagnagmahal ka” sabi nya sakin “Tama ka” sabi ko sa kanya at bumaba na sya ng koste ko para pumasok sa loob pero tumapat sya sa gilid ko kaya ibinaba ko ang bintana ko ng kotse ko dahil kumatok sya “Bakit?” tanong ko sa kanya “Mukang hindi lang ako ang nagbubukas ng puso Belle” sabi nya sakin at nilingon ang bear stuff toy na nakalagay sa likod ng koste ko “Nakuha lang yan kanina wag mong bigyan ng meaning” sabi ko sa kanya “Wala naman akong ibang sinabi, alam kong masakit Belle pero hindi masamang magmahal ulit dahil sabi nga ng taong nakausap ko in order to be happy you need to accept the fact that you need to move forward, be happy with the person who’s with you and who can treasure you, kaya Belle kung may namumuo na dyang sa puso mo wag mong pigilan kasi sabi mo nga kanina iba ang sitwasyon noon sa ngayon kaya wag kang matakot na sumugal ulit” sabi nya sakin saka ngumiti “Pupunta na lang ako sa inyo bukas ng maga, ingat sa pag-uwi” sabi nya pa sakin at pumasok na sa loob ng bahay nila. Napabuntong hininga ako sa sinabi ni Grace sakin at habang nagmamaneho ako pauwi samin yon ang asa isip ko, sa totoo lang tama naman si Grace sa sinabi nya sakin, hindi naman masamang sumugal ulit at buksan nag puso para magmahal pero hindi ko alam kung handa na nga ba talaga ko para umibig ulit. Hindi ko pa nakakalimutan lahat dito sa puso ko ang nangyari noon pero kung ikukulong ko ang sarili ko sa nakaraan ako lang din ang masasaktan. “Hayyy” sabi ko na lang at iginarahe ang sasakyan sa garahe namin saka bumaba at kinuha ang mga gamit ko sa loob ng kotse saka pumasok sa loob ng bahay kung saan naabutan ko si Ate sa may living area kasama si Kuya Dan “Hi my little sister” sabi sakin ni ate kaya lumapit ako sa kanya at nakipagbeso ganun din kay kuya Dan “Hi” bati ko sa kanila “Kahapon red roses ngayon teddy bear, ung totoo Belle wala ka talagang manliligaw?” tanong sakin ni ate “Wala ate, aakyat na ko sa taas at mag aayos pa ko ng gamit para bukas” sabi ko sa kanya “Umiiwas ka lang eh” sabi nya sakin “Ewan ko sayo ate” sabi ko sa kanya at hindi na sya pinansin, umakyat na ko sa taas at pumasok sa kwarto ko. Inilagay ko sa sofa ang teddy bear na dala ko at ibinaba sa table ko ang bag na dala ko saka pumasok sa banyo para maglinis ng katawan. Maghapon akong nawala at ang daming nangyari ngayong araw na to, nang makatapos akong maglinis ng katawan nag bihis na ko ng pantulog ko at kinuha ko ang cellphone ko sa bag na dala ko kanina saka humiga sa kama at tiningnan ang mga litrato ko kanina lahat naman ng picture ang gaganda ng kuha hanggang sa napahinto na ko sa picture namin ni Jd, eto ung kuha naming dalawa noong hindi sya prepared dahil on the spot lang ang nangyari non pero ang cute pa din tingnan kaya napangiti ako at inilipat ko na sa susunod na picture at ang sumunod naman don ay ang kuha namin noong nakasakay kaming dalawa sa Ferris will kung saan tanaw ang magandang view at dito parehas kaming nakangitong dalawa kaya hindi ko maiwasan na mas lalong ngumiti. Hindi ko sukat akalain kanina na maikukwento ko kay Jd ang isa sa nakaraan ko na pilit kong kinakalimutan although hindi nag open up si Jd kanina pero okay lang yon at least mukang magaan na ang loob namin sa isa’t isa bigla ko tuloy naalala ang sinabi sakin ni Grace kanina, sa totoo lang tama naman kasi talaga sya pero hindi naman nila ko katulad na may manliligaw, masaya ako para sa kanila at kung iniisip nila na may something samin ni Jd nagkakamali sila kasi magkaibigan lang kami at parehas kaming hindi handa sa commitment. Pinatay ko na ang cellphone ko saka umayos ng higa para matulog, maaga pa akong gigising bukas kasi hindi ko pa naayos ang gamit ko. Ipinikit ko na ang mga mata ko at at nakangiting natulog. Kinabukasan maaga akong nagising at pagmulat ng mata ko sa banyo agad ako dumiretso para maligo at ayusin ang toiletries na dadalin ko, nang makatapos na ko nagbihis na ko ng simpleng maong short at string tank top lang with my knit cardigan na manipis lang saka sandals then kinuha ko na ang traveling bag ko para ilagay don ang mga damit na dadalin ko. Hindi ko naman kailangan na magdala ng maleta kasi babalik din naman kami bukas ng gabi dito or maybe the next day pa pero konti lang ang dadalin ko. Nagdala lang ang ng shorts, swim wear, t-shirts, and cover ups saka dalawang summer dress and under garments of course then konting skin care at slippers then tapos na ko. Bumaba na ko sa baba dala ang traveling bag na inayos ko kanina pati na din ang tote bag ko, naabutan ko si ate sa baba na inaayos ang gamit nya pero kumunot ang noo ko ng makita ang dala nya “Doon ka na ba titira ate?” tanong ko sa kanya dahil ang dami nyang dalang gamit sa totoo lang “Some of this are foods” sabi nya sakin kaya napatango na lang ako at inilagay sa table ang gamit ko “Kumain muna tayo” sabi ko sa kanya at tumango sya sakin. Nagpunta na kami ng dining area at luckily andito pa sila mom and dad “Are you done preparing your things?” tanong ni mommy sakin “Yes po” sagot ko sa kanya “I already call our caretaker to prepare the villa for you” sabi ni Dad samin “Thanks dad” sabi ni ate sa kanya “Be safe and don’t be stubborn” sabi ni Mommy saka tumingin kay ate “Mom naman mabait ako” sabi nya kay Mommy kaya natawa na lang ako “You too” sabi sakin ni Mommy “Yes po” sabi ko sa kanya at ngumiti, sabay sabay kaming kumain at hindi nagtagal dumating na din ang mga kasama namin kaya naman pinuntahan na namin sila ni ate, sumunod naman samin si mommy “Hi tita” bati nila Grace kay mommy at bumeso “Ingat kayo don” sabi ni mommy samin kaya tumango ako “If may kulang kayo call us” sabi pa ni mommy samin at inihatid kami sa van “Mom bibili na lang kami don” sabi ni ate sa kanya kaya tumango si Mommy “Enjoy” sabi nya samin “We will” sagot ni ate at umalis na kami. “Si kuya Dan?” tanong ko kay ate “susunod satin yon” sabi nya sakin “Girls ngayon nyo pa lang mame-meet si Dan diba?” tanong ni ate kila Grace “Yes and exited na kami sa boyfriend mo ate” sabi ni Kate sa kanya “I’m happy for you ate” sabi ni Grace sa kanya “Thank you” sabi ni ate sa kanya. Although ex-boyfriend ni ate ang pinsan ni Grace wala naman hard feelings kasi okay naman na si kuya Ken at ate. Ang destinasyon namin ngayon ay ang resort namin sa Batangas pero hindi pa sya open for public, private resort kung baga at hindi pa nakakapag-decide si daddy kung gagawin nyang public yon pero for now para lang muna sa family and friends yon. “You can sleep mahaba pa ang byahe natin” sabi ni ate samin kaya tumango kami sa kanya at sya ang naunang magpikit ng mata kaya napabuntong hininga na lang ako. Tiningnan ko si Trixie na naka earphone at nakasandal ang ulo sa bintana at malayo ang tingin sa labas, mukang malalim ang iniisip ng isang to ngayon kaya hinayaan ko na lang at hindi ko na pinansin ipinikit ko na lang din ang mga mata ko para matulog at pagkagising ko asa Batangas na kami real quick dahil mabilis lang byahe. “Refreshing!” sigaw ni Grace ng makababa ng van “Namiss ko to” sabi naman ni ate. Inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid at napangiti na lang ako dahil ang sarap ng simoy ng hangin. “Good morning po” bati samin ng caretaker ng bahay “Good morning po Manong” bati ko sa kanya “Kamusta po ang byahe nyo?” tanong nya samin “Okay lang po at mabilis” sabi ko sa kanya at ngumiti “Sige po at pumasok na kayo sa loob para makapagpahinga kami na ho ang bahala sa gamit nyo” sabi nya samin “Sige po” sabi ko sa kanya “Manong may dadating pa po pala kaming kasama at malapit na daw po sila” sabi ni ate sa kanya “sige po ako na ang bahala sa kanila” sabi ni manong “Wag nyo na po kamin i-po, mas matanda po kayo samin” sabi ko sa kanya at ngumiti kaya tumango sya samin. Pumasok na kami sa loob ng bahay. Dala ko ang gamit ko kasi hindi naman sya mabigat at dalawang bag lang naman to “Pili na kayo ng room nyo pero dito kami ni Dan sa baba” sabi ni ate samin kaya tumango kami sa kanya. Three story ang villa na to, etong second floor may dalawang kwarto, kusina, dining area, living room, foyer at dalawang common bathroom sa gilid ang dirty kitchen sa second floor naman ay puro kwarto may walong kwarto sa taas at ang third floor ay entertainment area, sa labas may infinity pool na tanaw mo ang dagat at syempre ang barbeque area. Overall malaki ang bahay at kung kaming anim lang dito sobrang laki nito. Umakyat na kami sa taas at nagkanya kanya sa pagpili ng kwarto pero may sariling kwarto naman ako dito talaga kaya yon ang pinili ko syempre, pumasok na ko sa loob at inilagay ko ang gamit ko sa upuan “Namiss ko tong kwarto na to” sabi ko sa sarili ko at inilibot ang tingin sa kwarto. Inayos ko na ang gamit ko at inilagay yon sa cabinet at habang busy ako sa pag-aayos may narinig akong dumating na sasakyan at paniguradong andito na si kuya Dan kaya naman lumabas ako ng kwarto at sakto naman na lumabas na din sila Kate “Andyan na ata si kuya Dan” sabi ko sa kanila “Excited na kong makilala kung sino ang boyfriend ni ate” sabi ni Kate kaya bumaba na kaming apat. “Ate” tawag ko sa kanya “Andito na sila” sabi ni ate kaya kumunot ang noo ko “Sila?” tanong ko sa kanya “I forgot to mention pala na kamasa ni Dan ang brother nya at ang barkada nito” sabi ni ate samin kaya napatango na lang ako at nagkatinginan kaming magkakaibigan “I hope that they will not ruin our stay here” sabi ni Grace “Relax malay mo mabait” sabi ni Trixie “Eh paano kung maldita?” tanong nya “Ang sabi brother hindi sister” sabi ni Kate “Hey let’s just greet them” sabi ko sa kanila at sumunod kay ate sa labas at bago pa man kami makalabas nakarinig na kami ng pamilyar na boses na papalapit samin kaya napatingin kami sa isa’t isa “Ako lang ba ang nakakrinig pero pamilyar ung boses na yon” sabi ni Grace samin “Hindi ka nag-iisa pamilyar din sakin yon” sabi naman ni Kate at nanlaki ang mga mata namin ng makita kung sino ang pumasok sa loob ng bahay. Seryoso? Sila ang kasama ni Kuya Dan? Pag nga naman pinagtatagpo kami ng tadhana, napabuntong hininga na lang ako at napailing. Hindi ako makapaniwala na sila ang kasama ni Kuya Dan at mukang kilala ko na kung sino ang kapatid ni kuya Dan sa kanilang apat na andito ngayon, na nakaharap samin. Isa lang naman sa kanilang apat ang may apelidong Dela Cruz kaya sya na yon, tiningnan ko sya at ngumiti lang sya sakin. Tadhana nga naman talaga masyado kaming pinaglalaruan ngayon. His POV Pagkaalis nila Nathan tinapik ako sa balikat ni Max kaya tumingin ako sa kanya “Bakit?” tanong ko sa kanya “Let’s go” sabi nya sakin kaya tumango ako sa kanya at umalis na kami para pumunta sa condo ko. Kung ano man ang pag-uusapan namin ngayon hindi ko alam kung ano ang mababago non sa nararamdaman ni Nathan. Habang asa byahe ako tumawag sakin si daddy kaya napabuntong hininga ako at sinagot yon “Jd” tawag nya sakin “What do you need?” tanong ko sa kanya at dahan dahan na nagmaneho “Your Grandfather wants to talk to you” sabi nya sakin kaya napabuntong hininga ako “Bakit?” tanong ko sa kanya “He just want to talk to you” sabi nya sakin kaya napailing ako “I’m busy” sabi ko sa kanya “Jd talk to him” sabi nya sakin “I said I’m busy dad I’ll just call you later, I’m driving” sabi ko sa kanya at pinatay na ang tawag. Wala akong balak makipag-usap kay lolo dahil wala naman kaming pag-uusapang dalawa at kung may sasabihin man sya sakin paniguradong hindi ako matutuwa sa sasabihin nya at baka mag-away lang kaming dalawa, kabisado ko na sya. Nang makarating ako sa building ng condo unit ko, ipinarada ko lang ang sasakyan ko sa parking lot at bumaba na ng sasakyan bitbit ang nakuha ni Belle na teddy bear kanina sa booth na nilaro nya “What was that?” tanong ni Max sakin “Hindi pa ba obvious kung ano to Max?” tanong ko sa kanya kaya napailing sya sakin “Hindi yon ang sinasabi ko, ang point ko bakit may ganyan ka” sabi nya sakin “Belle gave it to me” sabi ko sa kanya at nahuli ko ang nakakalokong ngiti nya pati na din ni Thunder “Wag kayong mag-isip ng kung ano-ano dyan” sabi ko sa kanila at sumakay na kami sa elevator “Wala kaming iniisip ng kung ano-ano Jd” sabi ni Max sakin at tumawa kaya napailing na lang ako at nang huminto na ang elevator sa floor ng unit ko bumaba na kami at pumasok sa loob ng unit ko, dumiretso ako sa kwarto ko para ilagay ko sa kama ko ang ibinigay sakin ni Belle at nagpalit ng damit saka sila nilabas. Naabutan ko si Thudner na kumukuha ng beer sa ref ko at si Max na nakaprente ng upo sa sofa ko “Ano sa tingin nyo ang gustong pag usapan ni Nathan?” tanong ni Max samin at inabutan naman kami ni Thunder ng beer. Umupo ako sa tapat ni Max at ininom ang beer na hawak ko “I have no idea” sabi ni Thunder kaya tumingin sakin si Max “Intayin na lang natin si Nathan para sya ang magsabi” sabi ko sa kanila “May alam ka na naman Jd” sabi ni Thunder sakin “Ayokong pangunahan si Nathan” sabi ko sa kanila “Hindi mo naman papangunahan bibigyan mo lang kami ng konting impormasyon sa nangyari” sabi ni Max sakin kaya umiling ako “Problema ni Nathan to at hindi sakin” sabi ko sa kanila “Wag mo ng pilitin yang si Jd wala kang makukuhang sagot dyan” sabi ni Thunder sa kanya “Okay pero ano na lang ang score nyo ni Belle?” tanong ni Max sakin “Magkaibigan kami” sagot ko sa kanya at muling ininom ang beer na hawak ko “Magkaibigan lang ba talaga Jd?” tanong sakin ni Thunder kaya ibinalik ko sa kanya ang tanong nya “Kayo ni Kate magkaibigan lang din ba talaga?” tanong ko sa kanya kaya tumawa si Max “Kayong dalawa kung may nararamdaman kayo para kay Kate at Belle gumawa na kayo ng paraan para mapalapit sa kanila kasi hindi porket walang lumalapit sa kanilang iba may pag-asa kayo” sabi ni Max samin “Alam namin ang ginawa namin Max” sagot ni Thunder sa kanya at tinungga ang beer nya, hindi na lang ako kumibo sa kanila. Ilang oras din naming inintay si Nathan at nakakailang beer na din kami ng dumating sya “Ang tagal mo” sabi ni Max sa kanya ng dumating sya at agad naman syang kumuha ng beer sa lamesa at ininom yon ng isang inuman lang saka nagbukas ulit ng isa “Wag mong biglain” sabi ni Thunder sa kanya “Mukang malaki ang problema nito” sabi ni Max “Ano bang gusto mong pag-usapan?” tanong ko sa kanya “Trixie reject me” sabi nya samin at muntik ng maibuga ni Max ang iniinom nya dahil don “Ano?” tanong nya kay Nathan “Sinabi ko kay Trixie na gusto ko sya pero ayaw nya sakin” sabi nya samin “Maybe she have a reason” sabi ni Thunder sa kanya “Mas gusto nyang maging magkaibigan lang kami” sabi nya samin “Na friendzone” sabi ni Max at umiling kaya tiningnan ko sya ng masama at tumingin kay Nathan “Anong balak mo?” tanong ko sa kanya “Hindi ko alam” sagot nya sakin “Okay naman kayo kanina ni Trixie ah! Ang sweet nyo nga kanina” sabi ni Max sa kanya “Because we had a deal” sabi nya samin “What deal?” tanong ko sa kanya “Isa isang buong araw na to kaming dalawa at bukas kakalimutan ko lahat ng nararamdaman ko sa kanya” sagot nya sa tanong ko “Gagawin mo ba?” tanong ni Thunder sa kanya “Hindi ko alam, I really like her. Si Trixie lang ung babaeng nagparamdam sakin ng ganito” sabi nya samin at inubos nya ang beer na kakabukas nya lang kanina “If you really like her don’t give up” sabi ni Max sa kanya “Ayaw nga nya sakin” sabi ni Nathan “Nakakasigurado ka bang ayaw nga nya talaga sayo baka naman kasi may rason si Trixie kaya nya sinabi yon sayo, kung susuko ka agad para mo na lang pinatunayan sa kanya na hindi totoo ang nararamdaman mo sa kanya” sabi ni Max sa kanya at may punto si Max sa sinabi nya na yon “Mag-isip kang mabuti Nathan, isipin mo kung isusuko mo na ba talaga si Trixie ng ganito kaaga” sabi ni Thunder sa kanya “Your choice Nathan, wala kaming magagawa kung ano ang gusto mong piliin pero siguraduhin mong sa pipiliin mo hindi ka magsisi na yon ang pinili mo” sabi ko sa kanya at inubos ang beer na hawak ko. Kung ano ang pipiliin ni Nathan wala kaming magagawa don dahil buhay nya yan at sya lang ang nakakaalam ng nararamdaman nya. Napalingon sila sa pinto ng biglang tumunog ang doorbell ko kaya tumayo ako para buksan ang pinto at pumasok don si Kuya “Anong ginagawa mo dito?” tanong ko sa kanya ng tuluyan na syang makapasok sa loob at umupo sa tabi ni Max “Good thing that your all here, yayain ko kayong umalis bukas” sabi nya samin “Saan pupunta kuya?” tanong ni Max sa kanya “Where going on a short vacation for tomorrow with my girlfriend at paniguradong mag e-enjoy kayo” sabi nya samin at binuksan ang beer na asa lamesa saka ininom yon “Sakto yan dahil kailangan nitong si Nathan ang mag enjoy” sabi ni Max “Anong nanyare?” tanong ni Kuya “Na-basted” sabi ni Thunder “Wag kang mag-alala may ipapakilala ko sayo bukas” sabi nya kay Nathan pero hindi kumibo si Nathan kaya napailing ako sa sinabi ni Kuya “Yan lang ba sasabihin mo kuya?” tanong ko sa kanya “Hindi” sagot nya sakin “Ano pa kuya Dan?” tanong ni Max kaya tumingin sya sakin “Kakausapin ko lang si Jd” sabi nya samin at tumayo sya kaya napabuntong hininga ako at sumunod sa kanya. Pumasok kami sa kwarto ko at sinara ko ang pinto saka sya hinarap “Anong sasabihin mo sakin?” tanong ko sa kanya “Dad called me earlier gusto ka daw makausap ni lolo” sabi nya sakin “Kuya wag mo kong pilitin na makausap si Lolo dahil hindi ako makikipag-usap sa kanya” sabi ko sa kanya kaya napabuntong hininga sya “Hindi kita pipilitin pero might as well tell that to him, give him a call” sabi nya sakin kaya tumango na lang ako sa kanya at akmang lalabas na ng may sabihin sya “Lolo want them to go home” sabi nya sakin kaya nilingon ko sya “Then let them, wala naman akong magagawa kung gusto nya yon” sagot ko sa kanya at lumabas na ng kwarto ko. Naabutan kong lasing na si Nathan kaya napailing na lang ako “Sandali lang kaming nawala lasing na yan” sabi ni Kuya sa kanila “Eh hindi tumigil ng kakainom kuya, ayaw magpaawat” sagot ni Max sa kapatid ko. Tiningnan ko si Nathan na wala na sa sarili nya, iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD