"Sige na, Seth. Umuwi ka na..." sabi ko dito. "Okay ka lang ba rito?" tanong nito. "Yeah. Ako na ang bahala," sagot ko. Tumango ito nang bahagya, at saka pasulyap na tumingin kay Chad bago sumakay ng kotse niya. Nasa likod ko si Chad, kaya hindi ko nakikita ang reaksiyon nito. Tinanaw ko muna ang kotse ni Seth hanggang sa makalayo ito, bago ko binalingan si Chad. Kita ko ang pagtataka na may halong galit sa tingin nito. "Go home, Chad. I'm tired," sabi ko sa kanya, at saka bumaling na papunta sa pintuan ng apartment. Pero hindi ako nakalayo dahil pinigilan ni Chad ang braso ko. "’Yan lang? ‘Yan lang Pepper ang sasabihin mo sa 'kin?!" malakas na sabi nito. "Ano bang gusto mong sabihin ko sa iyo?" tanong kong pil