Mag-isa akong naglalakad-lakad dito sa Rockefeller Center. Isang commercial establishment dito sa New York. Laging maraming tao ang namamasyal dito. Mga lokal at mga turista. Kumakain, nagsa-shopping at nagwi-window shopping. Lalo na ngayon na sa sunod na Linggo ay Pasko na. Pami-pamilya ang nakikita kong naglalakad sa paligid ko. Bigla tuloy pumasok sa isip ko si Zyrus. I miss you my baby Zyrus.... Nang makakita ako ng bench ay naisipan kong maupo muna. Hinatak ko ang jacket ko. Mas tumitindi na ang lamig ngayon ndito sa New York. Wala namang dahilan kung bakit ako naririto. Wala akong specific na pupuntahan. Gusto ko lang munang umiwas mula kay Chad. Malinaw na malinaw pa sa isip ko lahat ng nangyari kaninang umaga. "You're so tig