"F*cksh*t! A-Anong ginagawa mo dito?" Hindi ito sumagot agad. Matiim na nakatingin lang sa akin. Bigla naman akong na-conscious sa paraan ng tingin nito kaya pinili kong tanungin uli ito sa mataray na paraan. Ayaw kong mahalata niya na apektado ako ng presensiya niya dito sa loob ng kuwarto ko. "Chad! I am asking you. Anong ginagawa mo dito sa loob ng kuwarto ko?" tanong ko uli dito. Umahon ito mula sa pagkaka-upo niya sa silyang nasa harap ng mesa ko at saka naglakad palapit sa akin. Parang biglang nagbigay ng babala tuloy ang isip ko sa akin kaya nanigas ako sa kinatatayuan ko. "Ano ngang term of endearment mo sa akin? Ow! Wala nga pala. Ano ngang tawag mo dun sa boyfriend mo? Honeybunch? Hah! I wonder kung bakit sa akin hirap na hirap ka noon