Nagising ako na parang mabigat ang katawan ko. May naramdaman akong mainit na hininga sa gilid ng leeg ko. Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko. Unang bumulaga sa akin ang kulay light gray na kisame. Saka ko lang na-realize na nasa kuwarto ako ni Chad pagkakita ko sa kisame ng kuwarto nito. Sandali akong nag-isip at saka unti-unting bumalik sa isip ko ang nangyari kagabi. Nasapo ko ang noo ko. "Sh*t, Pepper! Anong ginawa mo?? Hindi ka nag-iisip!" bulong ko sa sarili ko Paano ka makakapag-isip, eh sarap na sarap ka kaya! Dahan-dahan akong lumingon sa katabi ko. Bumungad sa akin ang guwapong mukha ni Chad. Payapang-payapa ang mukha nito sa pagtulog kaya hindi ko naiwasang pagmasdan ang mukha nito. Natutulog na nga lang pero ang guwapo p