Nagulat ako nang may biglang yumakap sa akin mula sa likuran habang naghuhugas ako ng pinagkainan namin. Pero wala namang ibang gagawa nun, kung hindi si Chad kaya hindi ko na lang pinansin. "Get dressed. Isasama kita sa office," sabi nito, sabay halik sa gilid ng leeg ko na nakapagpainit sa katawan ko. "Huh? A-Ano namang gagawin ko dun?" takang tanong ko sa kanya habang pilit kong kinokontrol ang init na naramdaman ko. "Just sit there. Inside my office. Gusto ko, lagi kitang nakikita," naglalambing na sabi nito. Ngayon ko lang nakita ang side na ito ni Chad. Kumawala ako sa pagkakayakap nito, at saka humarap dito. Ngumiti ako anng matamis sa kanya. "Hindi ako sasama," sabi ko dito, sabay harap uli sa lababo. Lumuwag ang pagkaka