"Babe, I forgot to tell you... bagong palit nga pala yyang kama mo. Sabi nung salesman matibay daw ‘yan. Pwede nating subukan ngayon. What do you think?" pilyong sabi nito. Mabilis akong napalingon sa puwesto ng kama sa kuwarto namin ni Zyrus. Oo nga. Ibang kama na ang nakalagay doon. Nilingon ko si Chad. "Bakit ba ang hilig mong makialam dito sa bahay namin?!" singhal ko dito. "Hey.... babe.... gusto ko lang namang bumawi sa inyo ni Zyrus..." "Kay Zyrus na lang. Huwag mo na kaming idamay ni Chris. Kay Zyrus ka lang may koneksiyon," sagot ko dito. "If I may remember you, babe.... matagal na akong nagkaroon ng koneksiyon sa iyo. Years ago, nung gawin natin si Zyrus. And I have connected to you again last night. Not once.... but--