"Gurl, ang kapal din ng face mo, ano? Oo maganda ka, pero hindi ka naman dyosa para pahabulin nang pahabulin iyung guwapong iyon! Grabe ‘to..." panenermon ni Seth sa akin, habang nagla-lunch kami sa favorite naming Italian resto. Tinusok-tusok ko iyung pasta sa plato ko. Gutom ako pero pakiramdam ko walang lasa iyung kinakain ko. I explained it already, bakla. Kailangan ko siyang iwasan or else, guguluhin ng Mama niya ang kapatid at Tatay ko," sagot ko dito. "Oh em... naglaho ka bigla sa buhay ni pogi? Ano nga ang term nila ngayon sa ganun? Ghosting! Yun nga... pero wait. Yung motherhood ni guwapo, eh kontrabida sa buhay mo. Pero baka bina-bluff ka lang naniwala ka naman agad?" "Wala kasi akong pwedeng ipagmalaki. Tindera lang ako ng ulam noon. At iyun ang hindi matanggap ng Mama ni Ch