Pupungas-pungas akong bumaba sa kusina. Halos hindi ako nakatulog kagabi. Sa one year na nandirito ako sa New York, all the while pala kay Chad pa din ako nakasandal, without knowing it. Kaya pala walang maipakilala sa akin si Candy na boyfriend niya na may-ari nitong apartment! Wala naman kasi sa loob ko ang maghinala. Sobrang laki ng tiwala ko kay Candy. After all, siya lang naman ang kaibigan ko. Tapos si Seth, na dito ko na nakilala sa New York. Nabungaran ko sa kusina si Candy. May nakahanda na ring agahan sa mesa na isang himala, dahil kadalasan ay tanghali na ito gumigising. Iyun tipo bang sakto lang para makapag-ready siya papasok sa opisina. Agad itong lumapit sa akin nang makita ako, habang may bitbit na cupcake sa kamay niya.