"Pepper?" Dahan-dahan akong lumingon. Nakita ko ang isang nakangiting Donya Minerva. Sa tingin ko naman ay genuine ang ngiti nito, pero hindi ko pa rin mapigilan ang kabahan at magduda. Hindi naman siguro sa isang iglap ay magbabago ang pakikitungo nito sa akin. Nakangiti pa ring lumapit ito sa amin ni Chad. Naramdaman ko ang mahigpit na pagpisil ni Chad sa kamay kong hawak nito. "Mama... hindi ko alam na nandito ka sa bahay," humalik si Chad sa pisngi nito. "Oh, Pepper. Ang tagal nating hindi nagkita wala ba akong yakap man lang?" baling nito sa akin. Napalingon ako kay Chad, na nakatingin na rin pala