Nang makabawi si Reese ay nagmamadaling nilapitan nito si Donya Minerva, at saka hinawakan ang dalawang kamay nito. "Mama Minerva! May pinakain ba sa iyo ang babaeng ito? Anong nangyari? Ako ang gusto mo para kay Chad di ba? Ako ang pakakasalan ni Chad, Mama Minerva!" sunod-sunod na tanong ni Reese sa kanya. "Alam mong parang anak na ang turing ko sa yo, Reese. Pero natutunan kong hindi ko kayang diktahan ang puso ni Chad. Siya ang mahal ni Chad, at igagalang ko yun. Nakita ko ang paghihirap ng anak ko nang iwan siya ni Pepper. At tanggapin na natin, Reese... hindi tayo ang makakaalis sa paghihirap na naramdaman noon ni Chad. Kung hindi si Pepper lang. Isa pa, nakita ko kay Pepper na kaya niyang isakripisyo ang sarili niyang kaligayahan, kapalit