"Nanay, akala ko po tatawag si Tatay?" Huminto ako sa pagbubutones ng school uniform ni Zyrus at saka ko ito nginitian. "Baka busy pa si Tatay, anak." Nangako kasi si Chad dito na tuwing umaga ay tatawagan niya ito. "Wait na natin tawag ni Tatay, Nanay..." nakangusong sabi nito. "Male-late ka sa school. Magagalit pa sa iyo si Tatay. Sasabihin ko na lang kay Tatay na tumawag mamaya pag-uwi mo galing school. Okay?" nakangiting sabi ko dito, sabay mahinang pisil sa baba nito. Mahaba pa rin ang nguso na tumango lang ito. PABALIK na kami sa bahay ni Manong Bert nang mag-ring ang phone ko. Chad pogi calling.... "Hello, Chad." ["Dapat ang bungad mo agad sa akin -- miss you, Chad..."] Naumid ang dila