HOT ENGINEER 2

1058 Words
HOT ENGINEER 2 "Bakit nakabusangot ka?" tanong ni Nanay nang makarating ako ng bahay. "Paano, Nay, may mayabang na de-kotse na akala mo kung sino!" maktol ko naman. Naiiling si Nanay. "Ikaw talaga, umandar na naman ang pagiging masungit mo," sabi ni Nanay. "Kumain ka na muna sa kusina, bago mo ako tulungan. Magpahinga ka na muna at galing ka sa arawan." "Ikaw po, Nay? Kumain ka na ba?" "Oo, Anak. Tapos na din kumain ang mga kapatid mo. Ang Tatay mo nagbaon naman iyon." "Sige po." Pumasok ako sa loob ng bahay at dumiretso sa kusina. Pagkatapos kong magpahinga ng trenta minuto, tinulungan ko na si Nanay sa pagbabanlaw at sampay ng kaniyang mga nilabhan. Pagkatapos ay muli akong umalis upang bumili ng saba at kamote kay Mang Mario, na nakatira sa ibaba ng burol sa dulo. May mga tanim siya na kamote, malagkit at saba. Malawak ang taniman niya kaya mababa lang din ang benta niya sa akin kumpara sa presyo sa palengke. Malayo pa lang ako ay nakikita ko na ang sasakyan na nakaparada sa labas ng barong-barong ni Mang Mario. Agad kong namukhaan ang sasakyan kaya nagmamadali kong nilapitan ito. Hindi ako maaring magkamali, ito iyong sasakyan kanina. Ano'ng ginagawa nito dito? Kaano-ano kaya siya ni Mang Mario? "Elena, ikaw pala iyan!" Nakangiting lumapit sa akin ni Aling Belen, ang asawa ni Mang Mario. "Opo, bibili po ulit ako ng pitong kilong kamote at isang bulig ng saba. Tumango siya. "Tara sa likod para makapili ka," aya niya sa akin. Habang namimili ako ng kamote, panaka-naka akong tumitingin sa paligid. Nasaan kaya ang driver ng sasakyan na iyon? "Pitong kilo na ata 'to," sabi ko kay Aling Belen. "Mahigit pitong kilo. Free na lang ang sobra," sabi naman ni Aling Belen na kinangiti ko. "Salamat po." "Syempre, suki kita e." Mahina kaming nagtawanan. "Paano mo madadala ang mga ito ngayon? Alangan naman na buhatin mo, bababa ang matres mo, baka hindi ka na magka-anak." Natawa ako kay Aling Belen. "Itong kamote po, bubuhatin ko na lang. Itong saging po, puwedeng idaan na lang ni Mang Mario sa bahay bukas?" Dumadaan kasi tuwing umaga ang kaniyang asawa sa amin, lulan ng kaniyang kolong-kolong. "Oh, sige," sabi naman ni Aling Belen. Agad ko naman ng binilang ang tag-lilimang piso na dala ko para mabayaran si Aling Belen. "Oh, Elena, nandito ka pala?" Dinig ko ang boses ni Mang Mario sa aking likuran. "Opo," sagot ko ng hindi lumilingon dahil abala ako sa pagbibilang ng barya. "Bumili ng pitong kilong kamote at isang bulig ng saba." "Ayos din talaga iyang negosyo mo, Elena," puri ni Mang Mario. Natawa naman ako. Grabe naman sa negosyo na term. "Ito po, Aling Belen," inabot ko kay Aling Belen ang mga barya. "Mauuna na po ako," paalam ko. Doon pa lang ako bumaling ng tingin kay Mang Mario. Laking gulat ko nang makita ang lalake na katabi niya. Parang nagulat din nga ito, e. Tsk! Guwapo sana, kaso mayabang. Porket may kotse, feeling entitled na. Akala mo naman siya ang may-ari ng daan. Inismiran ko siya bago ko binuhat ang pitong kilong kamote. "Aalis na po ako," paalam ko ulit sa mag-asawa. "Hindi niyo na ba natatandaan ang isa't isa?" Dinig ko pang tanong ni Mang Mario pero hindi na ako lumingon pa. "Elena, sumabay ka na lang kaya kay Kurt, total ay doon din naman ang daan niya sa inyo!" sigaw ni Aling Belen pero kunwari hindi ko din ulit narinig. Sasabay? Kanino? Sa mokong na iyon? Huwag na, noh! Binilisan ko ang lakad ko. Sa may palayan na ako naglakad imbes na sa kalsada at baka makasabay ko na naman ang mayabang na mokong na iyon. Hmp! Nakakainis ang pagmumukha niya! Nang makalayo ako ng kaunti, tumigil ako sa paglalakad. Binaba ko muna saglit ang bitbit ko upang makapagpahinga ng kaunti. Kailangan ko ng bilisan, dahil tutulungan ko pa sa assignment ang mga kapatid ko. Tagaktak na ang pawis ko nang makarating ako sa bahay. Napahiga ako sa papag na nasa labas ng aming barong-barong. Nangalay ang dalawang braso ko. Napagod din kasi ako kanina sa paglalaba. Hindi ko namalayan na nakatulog ako. Nagising lang ako nang marinig ko ang boses nina Nanay at Tatay. "Oh, Kurt, ikaw na ba iyan?" tanong ni Nanay. Napabangon ako at napatingin sa gawi nina Nanay. Nanlaki ang mga mata ko nang magsalubong ang mga mata namin ng mayabang na lalake. Kilala siya ng mga magulang ko? Inirapan ko ulit siya. Napakunot naman ang kaniyang noo sa aking inasta. "Elena, naalala mo pa ba si Kurt?" tanong sa akin ni nanay nang mapansin niya na naaktingin sa gawi ko si Kurt. Umiling ako. Hindi. At wala akong pakialam sa mayabang na iyan, sagot ko na hindi ko na lang sinatinig. "Siya na po si Elena?" tanong naman ng lalakeng tinatawag nila na Kurt. "Wow! Dalaga na pala siya. Dati, nang huling makita ko siya, sipunin pa siya," biro niya na kinalaki ng aking mga mata. Tumawa naman sina nanay at Tatay. At pati ang leche na Kurt ay tawang-tawa din. Inirapan ko siya bago ako tumayo at pumasok sa loob ng bahay. Napakayabang talaga. At teka, bakit kilala niya ako? Hindi ko naman siya maalala. Sino ba siya? Ilang sandali pa narinig ko na ang pag-alis ng sasakyan ng Kurt na iyon. "Ikaw talaga na bata ka, basta ka na lang tumalikod," sabi ni Nanay nang makapasok siya sa loob ng bahay. "Hindi ka man lang nagpasalamat kay Kurt." "Bakit naman po ako magpapasalamat doon?" Nakanguso kong tanong, pinigilan ko na umirap at baka mabato ako ni Nanay ng tsinelas. "Dinala niya ang isang bulig na saba na binili mo kina Mario." "Talaga po?" "Oo. Baka mamaya isipin ni Kurt na bastos ka." "Hayaan niyo po siya na isipin ang gusto niyang isipin, Nay. Wala akong pakialam sa kaniya." Kumunot ang noo ni Nanay. "Ikaw talaga. Sinumpong ka na naman ng katarayan mo. Hindi mo na ba naaalala si Kurt? Anak siya ng mga Salazar." Nagsalubong ang aking kilay. Pilit na inaalala ang sinasabi ni Nanay. "Hindi mo matandaan? Pitong taong gulang ka noon nang nandito siya. Dise-sais din yata siya nang mga panahon na iyon." "Ah," tanging nasabi ko sabay tango. Wala talaga akong maalala. At ano naman ngayon kung anak siya ng mga Salazar? Wala akong pakialam sa mayabang na iyon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD