Chapter 38- Pagtakas

3529 Words

Katulad ng kanilang napagkasunduan, matapos ang event na pinuntahan ni Hannah sa isang sikat na mall ay magkikita sila ni Cayden. Tatakas sila, magpapakalayo-layo, pupunta sa lugar na hindi sila makikilala ng mga tao at hindi mahahanap ni Daxton. Mabibilis ang mga hakbang ni Hannah, hindi pa tapos ang event ay tumalilis na siya. Hindi niya ginawang magpaalam sa mga kasamahan niya at agad nang umalis sa lugar na iyon, naghihintay sa kaniya si Cayden sa parking lot ng mall. Malikot ang mga mata niya at patingin-tingin sa paligid. Kasama niya ang bodyguard na si Jonathan ngunit nagawa niya itong takasan. Tulad ng kaniyang nakagawian kapag gusto niyang takasan si Daxton ay nagdi-disguise siya. Mas mahirap na ngayon katayuan niya dahil kilala na siya ng mga tao at ang mukha niya ay lumalaba

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD