"F*ck! Well the hell is Hannah? Bakit hanggang ngayon ay hindi niyo pa rin siya nakikita?" galit na tanong ni Daxton. Ilang araw nang nawawala ang kaniyang asawa at ang mga tao na inutusan niya ay walang maibigay na impormasyon tungkol sa pagkawala niya. "Hinalughog na namin ang mga posibleng lugar na pwedeng pagtaguan ni Ma'am Hannah pero hindi namin siya makita," sagot ng bodyguard ni Hannah na si Jonathan. Bakas pa ang mga pasa sa mukha nito dahil sa tinamong pambubugbog sa kaniya ni Daxton. Binugbog siya nito sa sobrang galit dahil hindi niya nabantayan ng maayos si Hannah at natakasan siya nito. Apat na araw na ang nakalilipas ngunit wala pa rin silang makitang lead kung saan nga ba nagtungo si Hannah matapos ang event nito sa mall. Hindi naman masabi na kidnap ang dahilan ng pagk