Muling bumalik ng Pilipinas si Naomi para sa matagal na baksyon kaya naman pansamantala siyang nagpa-assign sa ospital dito. Sa unang pagkakataon ay bibigyan niya ng oras ang sarili na makilala ang pamilya ng kaniyang ama at ina. Naging maayos naman ang reunion niya sa mga ito. Mabilis niyang nakasundo ang mga kapatid niya sa ama't-ina. Isang araw ay naisipan niyang dalawin ang pamilya ni Cayden, noong huling uwi niya ng Pilipinas ay sa kanila siya tumuloy. Mabait sa kaniya ang mga magulang at kapatid ni Cayden. Gusto lang niyang magpasalamat sa mga ito dahil sa kabutihan nila. Habang naglalakad si Naomi papasok sa gate ng bahay ng pamilya ni Cayden, nakita niya ang ina nito na nasa garden at abala sa pag aalaga ng kaniyang mga pananim kaya naman nilapitan niya ito para batiin. "Kumust