Habang wala pa si Cayden at nasa ibang bansa pa ito ay inabala muna ni Hannah ang sarili sa pagtatrabaho. Kabi-kabilaan ang commitment niya. Dahil sa nalilibang sa kaniyang trabaho ay pansamantala niyang nakalimutan ang pangungulila sa kaniyang nobyo. Dalawang araw na lang naman ay babalik na si Cayden at magkikita na sila. Isang umaga, habang nasa opisina si Hannah, biglang nag-ring ang kaniyang cellphone. Nakaramdam siya ng tuwa at excitement nang makita ang tawag mula kay Cayden, ngunit sa kabila ng saya ay may kakaibang boses si Cayden. Ibinalita nito sa kaniya na may biglaang problema sa kanilang biyahe at hindi sila makakabalik sa nakatakdang araw. Nabahala si Hannah, ngunit sinubukan niyang manatiling matatag. Sa gitna ng pangungulila, hindi niya maiwasang isipin kung ano ang na