Kinabukasan ay sabay na pumasok sa FGoC ang magkasintahang Cayden at Hannah. Tampulan sila ng tukso ng mga naroon, kaslukuyang may meeting sa conference room at naroon sila. Isa si Hannah sa mga naimbitahang dumalo sa meeting. "Kailan ba ang kasalan ng makatikim naman ng lechon itong tiyan ko?" sabi ni Axel. Nagpaparinig ito sa magkatabing sina Hannah na sweet na sweet sa isa't-isa. Nang marinig ni Cayden ang parinig ni Axel, napangiti siya ng mapang-asar. "Wag ka sanang magtampo, Tito Axel. Basta kami ni Hannah, maghihintay kami ng tamang panahon para sa aming kasal," sabi ni Cayden sabay akbay sa balikat ni Hannah. Habang nagpapatuloy ang meeting, nagpasya si Hannah na pagtawanan na lang ang mga tukso. "Hindi pa namin priority ang kasal, pero alam namin na darating din ang tamang pagk